Derek Ramsay & Cristine Reyes: Sensual Seduction!

DEREK RAMSAY
Real Name: Derek Arthur Ramsay
Birthdate: December 7, 1979
Zodiac Sign: Sagittarius
Symbol: The Archer

Ruling Planet: Jupiter

Quality: Mutable

Element: Fire

Basic Trait: I Perceive

Closest Metal: Tin

Lucky Day: Thursday
CRISTINE REYES
Real Name: Ara Cristine Reyes Klenk
Birthdate: February 5, 1989
Zodiac Sign: Aquarius
Symbol: The Water Bearer

Ruling Planet: Uranus

Quality: Fixed

Element: Air

Basic Trait: I Know

Closest Metal: Aluminum and Uranium

Lucky Day: Saturday

FROM FRIENDS to Lovers and turnover ng love story nina Derek Ramsay at Cristine Reyes. Una silang nagsama sa big screen via the box-office sexy movie “No Other Woman”. Naging close buddies ang dalawa hanggang sa eventually, something happened that made them rethink their status. Buong tapang na inamin ni lalaki sa madlang pipol na sila na nga ng seksing aktres.
Mixed reactions ang nakuha ng dalawa mula sa press at fans simula nang aminin nila ang tunay na estado ng kanilang relasyon. Physically ay very hot nilang tingnan, huh! Busy sila ngayon sa kani-kanilang tv shows at kasali rin sila sa “Trophy Wife”. Sadyang curious tayo, kaya i-tsek nga natin kung may potential nga silang dalawa bilang mag-dyowa! Go!

Natural na natural ang chemistry sa pagitan ng Sagittarius at Aquarius kaya hindi malabong magkatuluyan sila. Pareho silang outgoing, mahal ng madla at mahilig sa adventure (tsek niyo ang mga adventures nila sa instagram!) Gusto nila na lagi silang updated sa mga kaganapan sa mundong ginagalawan nila at patuloy nilang ginagalingan sa kani-kaniyang raket. May konti lang silang pagkakaiba, pero hindi ito magiging hudyat ng isang major goddamn fight!

Sa totoo lang, long lasting relationship ang madalas na outcome ng ganitong pagsasama. Maliban sa pareho silang matalino at madiskarte, ang freedom ang pangunahing prioridad nila sa buhay. Hindi sila masyadong clingy at supportive sila sa gusto ng partner lalo na pagdating sa karir. Mahal nila ang isa’t isa, pero hindi nila kailangang iparamdam ‘yun oras-oras. Gusto ni lalaki ang bubbly personality ni girl, kaya ang tambalang ito ay hinding-hindi mauubusan ng sorpresa.

‘Yun naman pala, eh! No wonder nagka-debelopan ang best buddies na ito. This is more than just a sensual seduction! Best of luck!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

2 thoughts on “Derek Ramsay & Cristine Reyes: Sensual Seduction!

Leave a Reply

Your email address will not be published.