Derek Ramsay, ayaw ibigay kay Aiza Seguerra ang kanyang sperm!

SA NAKARAANG presscon ng A Secret Affair, klinaro ni Derek Ramsay na wala siyang non-showbiz girlfriend gaya ng lumabas na balita kundi ang sinabi niya lang sa mga nakaraang interviews niya na kung magkakaroon siya ng susunod na karelasyon, gusto niya ay hindi taga-showbiz.

Inamin din na iniyakan niya ang break-up nila ng ex-girlfriend na si Angelica Pa-nganiban, taliwas sa paniniwala ng iba na hindi siya naapektuhan sa paghihiwalay nila ng ex-girlfriend, ayon sa hunk actor ay tapos na ang grieving period niya at ngayon ay nakapag-move on na siya sa nangyari.

Nahingan din ng reaksyon sa nakaraang interview ng The Buzz kay Aiza Seguerra na kung papipiliin siya ng ama ng magiging anak ay si Derek ang gusto niya, masaya at proud sa naging pahayag ng singer lalo’t isa itong karangalan kung manggagaling sa isang lesbiyana at nagmamahal sa kapwa babae. Ikinuwento ng aktor na nagkasama sila sa Ysabella, isang serye sa ABS-CBN, at naging magkaibigan, nang tanungin kung handa ba siyang mag-sperm donor dito, agad namang sumagot si Derek na hindi siya handang ipamigay ang ganitong bagay.

Excited sa nasabing pelikula, kung saan makakapareha niyang muli si Anne Curtis, pagkatapos ng tagumpay ng No Other Wo-man, at si Andi Eigenmann na makakatambal niya naman sa kauna-unahang pagkakataon, laging sinasabi sa amin ni Derek na marami ang dapat abangan sa nasabing pelikula na sa trailer pa lang ay alam na naming magiging blockbuster.

 

SA PALAGAY namin, hindi lang dahil gustong mag-pokus sa X-Factor at sa seryeng Against All Odds kaya tinanggihan ni KC Concepcion ang role ni Andi sa A Secret Affair, kundi hindi kakayananin ng actress/TV host ang sobrang daring ng nasabing role.

‘Di naman itinago ni Andi na ito ang pinaka-daring na role na ginampanan niya, marami silang love scenes ni Derek na tiyak na ikagugulat ng iba at magle-level up kay Andi bilang isang mas seryosong aktres.

Mapapanood sa darating na Oktubre 24, ang nasabing pelikula ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Nuel Naval, direktor ng Magkaribal. Bukod sa kapansin-pansin na napakagandang texture nito, takaw-pansin din ang magagandang kuha ng mga karak-ter na kilala si Direk Nuel. Ngayon pa lang ay usap-usapan na ang mga maaanghang na palitan ng mga salita ng mga karakter, bukambibig na ito ng marami kung saan inaabangan na ang pagbubukas ng pelikula sa mga sinehan.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

7 thoughts on “Derek Ramsay, ayaw ibigay kay Aiza Seguerra ang kanyang sperm!

  1. ang damot naman nitong derek na ito bakit ginto ba ang tamod niya? kung ako kay aiza dami dyang mas gwapo at mas macho, sa mga gay bar marami hekhek!

Leave a Reply

Your email address will not be published.