Derek Ramsay at Nadine Samonte, totohanan na ang relasyon?!

HINDI NA gimik kundi totohanan na ang relasyong Nadine Samonte at Derek Ramsay. Ayon kay Derek, dati raw ay sinabi niyang hindi na siya mai-in love sa babaeng taga-showbiz. But since nang magkaroon ng pagkakataong makasama niya sa mga lakad si Nadine, parang gusto na raw niyang bawiin ang kanyang mga naunang nasabi, dahil iba raw si Nadine.

“Mabait siya at masarap kasama,” pahayag ni Derek.

Totohanan na ang relasyon nina Nadine at Derek dahil nagawa na nilang maghalikan nang labi sa labi sa harap ng mga tao noon sa Iloilo, bukod pa sa mga ipinakikita nilang sweetness kapag sila ay magkasama.

Sumbong sa akin ng isang taong malapit kay Derek. Si Nadine daw ang madalas na kasama ngayon ng aktor kahit wala silang taping para sa Kidlat.

“Ewan ko, ha? Pero feeling ko, natulog na si Nadine sa bahay ni Derek,” sabi ng aming source.

Well kailangang makausap namin nang personal ang aming friendship para linawin ang issue. Ang issue na wala na sila ng kanyang non-showbiz girlfriend at si Nadine na ang bago niyang pag-ibig. Huh!

BILANG PAG-HAHANDA sa pagpasok nang tuluyan sa showbiz ay nag-enroll na si Norris John sa isang acting workshop dahil ito ang gustong mangyari ng isang kilalang manager na hahawak sa career ng aktor.

Sa ngayon, hindi pa namin mare-reveal kung sino ang nasabing manager. Pero ang tiyak ay pinagbubuti ni Norris John ang kanyang trabaho dahil pangarap daw niyang maging artista talaga.

Kung tutuusin, kahit hindi mag-artista si Norris ay mabubuhay siyang maayos dahil may kaya ang kanyang pamilya. Pero iba talaga ang salitang artista kay Norris at gusto niyang ipakita sa lahat ang kanyang talent.

Umpisa pa lang ng workshop ay bilib na kay Norris ang isang direktor at ilan nilang kasama dahil propesyonal itong kausap at higit sa lahat ay may nasisilip silang lalim sa pag-arte ng binata.

Matapos ang indie film na Gabriel, Ito Ang Kuwento Ko ay handa nang pumalaot pa sa mas malayo si Norris sa mundo ng showbiz, dahil ito ang mundong pinapangarap ng aktor.

More Luck
by Morly Alinio

Related Post

loading...

3 thoughts on “Derek Ramsay at Nadine Samonte, totohanan na ang relasyon?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.