Derek Ramsay at Erich Gonzales, babatuhin na naman ng intriga!

BILIB KAMI kay Luis Manzano dahil lingid sa kaalaman ng lahat na bukod sa pag-aartista, may negosyo rin ito na minsan na naming naisulat dito sa aming column.
Ang pagkakaalam namin, ang unang negosyong pinasok ng anak ni Gov. Vilma Santos-Recto ay ang pagta-taxi kung saan kasosyo raw nito ang kanyang dalawang kaibigan.
Sa katunayan, ilang beses na kaming nakasakay sa taxi na pagmamay-ari ni Luis na inaamin naman sa amin ng mga driver na nagmamaneho na isa nga ito sa mga nagmamay-ari.
At ngayon, bukod sa pagmamay-ari nga ng ilang taxi units, nabalitaan namin na ang susunod na plano diumano ng bagong host ng Kapamilya: Deal or No Deal ay pasukin ang pag-o-operate ng mga pampasaherong bus. Tama nga ba ang dinig namin, Luis?
Napaka-lucky nga naman talaga ng girlfriend ni Luis na si Jennylyn Mercado kapag nagkatuluyan sila in the future dahil napaka-business minded ng actor-host at marunong humawak ng kanyang kinikita mula sa showbiz.

CLOSE NA close pala ang mga anak nina Gov. Vilma Santos-Recto at Sen. Ralph Recto at nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na sina Ryan Christian at Andres.
Parehong nakatira sa Ayala Alabang village sa Muntinlupa ang dalawang pamilya.
Kapag weekends daw kasi, since walang pasok sa school, ay nagba-biking ang dalawa around their village.
Minsan daw ay magba-bike si Andres mula sa bahay nila papunta kina Ryan Christian at pagkatapos ay doon sila maglalaro ng video games, gaya ng xbox.

INAMIN SA amin ni Derrick Monasterio nang minsan namin itong makatsikahan na crush pala nito si Sarah Lahbati, kaya masaya si bagets na nakasama niya ang young actress sa isang out-of-the-country show.
Nang makausap namin noon ang binata, balak na raw nitong magparamdam sa dalaga, kaya sa ngayon siguro ay kasalukuyang nanliligaw na si Derrick kay Sarah.
Ano kaya ang masasabi ng mommy ni Derrick na si Tina Monasterio at ng kontrobersyal na tiyahin ni Sarah rito?
Aliw na aliw rin kami kay Derrick dahil kahit bagets pa lang at baguhan pa lang sa showbiz world ay marunong na itong makitungo sa mga reporters, kahit sa mga beki, gayun din sa pagsasalita at pag-intindi ng gay language.

HINDI KAYA mabuhay muli ang issue noon kina Derek Ramsay at Erich Gonzales na nag-date diumano sila during Magkaribal days ngayong may pelikula silang dalawa na ginawa, ang Corazon: Ang Unang Aswang?
Maaring okey na nga ang lahat sa pagitan ni Erich at ng girlfriend ni Derek na si Angelica Panganiban dahil nga natapos naman ng young actress at ng aktor ang exciting horror film na pinagsasamahan nila for Star Cinema na ipapalabas on March 14.

SA MGA fans ng sikat at guwapong basketball player at TV host na si Chris Tiu, abangan n’yo ang pagbirit n’ya for the first time para sa Pilipinas Eco Warriors na isang campaign para sa kalikasan na pinangungunahan ni former senator Migz Zubiri sa darating na March 14 sa Quezon City Memorial Circle.
Makakasama rin nina Chris at Migz si Rico Blanco at iba pang mga artista at mga banda na magbibigay saya sa araw na ‘yon, kaya go and join, and let’s support their campaign for our environment!

Personal: Happy birthday today to my cousin Paulette Peewee Cruz-Balcita!
Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

3 thoughts on “Derek Ramsay at Erich Gonzales, babatuhin na naman ng intriga!

  1. ano naman ginanda ni ap kay erich? maputi lang si ap,, maski sa pagkatao napakkalayo ni ap kay erich,,hinde nya na magawang iwan si derek kahit ayaw sa kanya ng agulang ni derek,,kasi gamit na gamit na sya ni derek,,eh sino ba gumawa ng giik eh di ba si ap,,,inaway away nya pa si erich,,,sobra na sa insekyur yang si ap,,praning na natatakot na iwanan sya ni derek

  2. derick monasterio who???? one of those artista ng kapuso? never heard.

    gimmick lang naman yung kina derek at erich, tapos uulitin na naman ang gimmick nila? my gosh!

Leave a Reply

Your email address will not be published.