Derek Ramsay at Cristine Reyes, ‘di rin magtatagal?!

KUNG ANO ang hula noon na baka hindi magkatuluyan sina Cristine Reyes at Rayver Cruz, ganu’n na rin ang hula ngayon sa relasyon nina Cristine at Derek Ramsay. Magkasalungat kasi ang mga personalidad nina Cristine at Derek.

Tulad ni Rayver, si Derek kasi ay nanggaling sa angkan na hindi maiingay, dahil sobra nilang pinahahalagahan ang katahimikan ng kanilang pamilya at sobra silang nagsusuportahan sa isa’t isa.

Napakaamo na sobrang mabait ang dating ni Rayver kaya marami ang napailing noon nang maging sila ni Cristine. May marka na kasi sa showbiz ang sister ni Ara Mina bilang artistang butangera na laging nasasangkot sa away at gusot.

Sino naman kasi ang makalilimot sa naging gusot ni Cristine sa kanyang sariling pamilya, na pati ang Mommy niya maging ang kanyang Ate Ara ay nawindang talaga dahil sa kanyang katarayan?

Mas bata si Rayver, at napakalaki ng agwat ng edad ni Derek kumpara sa kanya. Kaya hindi naman siya magmumukhang kawawang totoy kung umatake ang katarayan ni Cristine habang magkarelasyon sila. Mahaba ang listahan ng mga taong nakakakilla sa hunk actor na makapagpapatunay na sobra siyang mabait na tao, kaya binibigyan nila si Derek ng panahon para patunayang si Cristine nga ang tamang babae para sa kanya para magtagal ang kanilang relasyon.

NAPAKALAKAS NG dating nina Maricel Soriano at Eugene Domingo bilang mga bida sa pelikulang Momzillas ng Star Cinema at Viva Films, kaya halos masapawan nila kahit sikat din ang mga gumanap nilang anak sa pelikula na sina Billy Crawford at Andi Eigenmann.

Sa grand presscon nga ng kanilang pelikula, bumabangka sina Marya at Uge sa pagkukuwento, dahil puro sa kanilang dalawa ibinabato ang mga tanong ng dumalong press, dahil nakaaaliw sila.

Kahit ilang taon nang nakagarahe sa pamamahinga ang career ni Maricel, hindi talaga kinalawang ang istilo ng kanyang atake sa pagpapatawa sa bago niyang pelikula. Hindi nambobola si Eugene, pero talaga kahit sino pang mga sikat na komedyana ngayon ang magsalita, may kakaibang tatak si Marya sa larangan ng pagpapatawa sa kanyang maingay na atake sa bawat papel na kanyang ginagampanan, kaya sobrang kuwela.

Nu’ng presscon sa aming kinauupuan, kitang-kita namin siyempre si Marya, kaya napatunayan namin ‘yung puna ng marami sa kanyang pagsasalita ngayon. Para nga talagang may depekto si Marya sa pagsasalita, na parang nahihirapan siya. Puwedeng may ipinaayos siya sa ngipin niya o sa labi, tulad ng uso ngayon. Puwede ring dahil sa pagkakaedad.

Pero ang hindi nagbago kay Marya ay ang bilis ng kanyang memorya at bilis bumuwelta ng kuwelang salita kapag tinatanong siya.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

8 thoughts on “Derek Ramsay at Cristine Reyes, ‘di rin magtatagal?!

  1. Malinaw po na malaking gimik lang yang romansang Cristine at Derek na iniutos ng Viva big boss na si Vic del Rosario para sa promo ng upcoming movie nilang My Trophy Wife.

  2. Kangkangan Lang nmn Gusto ng 2 Ito Hindi na masyadong hot c Derek ngayon simula ng ma Tsismis na may asawa na at lumipat ng ibang network nalaos Bigla ang career ng lolo Derek nyo kaya parang gamitan ang peg Nya Kay Christine bka sakali Maging hot topic ulit and also for career move!!!-Angelica P.

  3. kung magtagal sila o hindi…it doesn’t really matter…si Derek mukhang ang dumi baka pati ‘kwan’ nya marumi din…si Christine parang bilasang isda na hinugasan lang ng formaline para mag mukhang sariwa… dami ng dumaan sa babaeng yan!.

  4. DI MAGTATAGAL – THIS IS EVERYBODY’S EXPECTATION FROM DAY ONE OF THEIR RELATIONSHIP. AND ANYBODY WHO WOULD THINK OTHERWISE, THINK AGAIN. THIS IS JUST FOR THE BENEFIT OF DEREK’S FADING CAREER AND CRISTINE IS A WILLING VICTIM. ANYWAY, IT’S NOT REALLY SAD AFTERALL, COZ THEY WILL BE SEXUALLY ACTIVE.

  5. Less than a year Lang yan. Si Derek parang teenager, mahilig sa THRILL. Si babae, makati, no breeding, walang edukasyon.TASTE TEST for both of them.

Leave a Reply

Your email address will not be published.