Derek Ramsay at Angelica Panganiban, ‘di apektado ng photo scandal!

INAMIN NI DEREK Ramsay na sila talaga ni Angelica Panganiban ang nasa front page ng Pinoy Parazzi kamakailan.

“Kuha ‘yan three years ago. Hindi lang yata ‘yan ang shoot namin, parang feeling ko… parang marami pang iba,” at sinabayan ng halakhak ng binata.

Ayon kay Derek hindi siya galit at lalong hindi siya magre-react dahil wala naman daw dahilan para maapektuhan sila ng kanyang kasintahan na si Angelica. “Normal lang naman ‘yan sa magkarelasyon, ‘di ba? I mean, ako personally, bakit naman ako magdedemanda, e, totoo naman?”

Ayon kay Derek pinagtawanan lang daw nila ni Angelica ang kontrobersiyal nilang picture. Nakyutan pa nga raw ang aktres sa pose nila. “Actually ilan lang kami nu’n sa Boracay nang magpa-shoot. hindi ko na gustong alamin pa kung sino ang nagpakalat, e, wala namang dahilan para magalit ako.”

Sa kabilang banda, hindi na rin daw magugulat si Derek kung sakaling may mas malala pang picture ang lumabas. “Ewan ko sa kanila. Basta kung saan sila masaya, bahala sila. As long as na wala kaming inaapakang ibang tao, hindi kami dapat maapektuhan,” pagwawakas ng aming kausap.

MAGKAKAROON NG MALAKING problema si DJ Mo sa GMA-7 ngayong “nakalipat” na siya sa TV5, dahil hindi pa pala tapos ang kanyang kontrata sa Siyete.

“By May pa ang mag-e-end ang contract niya, kaya nagtataka ako kung bakit by April ay airing na ang show nila ni Cristy Fermin sa channel 5, to think na exclusive contract ang pinirmahan niya sa GMA.” Pahayag iyon ng isang taga-channel 7 na nakausap namin kamakailan.

Ayon sa aming source, hindi raw kawalan ng GMA ang pag-alis ni DJ Mo. “Ang sa GMA lang, sana kahit konting respeto lang.”

Wala raw kasing respeto si DJ Mo at basta na lang itong nagdesisyong lumipat. “Actually, hindi naman siya hahabulin ng GMA kung gusto niyang lumipat… go! Pero sana, alam niya kung ano ang ibig sabihin ng paggalang at respeto sa dati mong naging tahanan.”

INGGIT NA INGGIT si Dominic Ochoa sa mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo dahil magkaka-baby na ang mga ito. Samantalang sila ng kanyang asawang si Danise Go, hanggang ngayon ay wala pang anak.

“Hindi naman kami nagmamadali, pero kung darating, mas okey kung ngayon na.” Pahayag ni Dominic na nagsabi pa sa amin na ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi sila magkaanak pa ni Danise ay dahil pareho silang abala sa kanilang mga commitments.

SPEAKING OF ANAK, hanggang ngayon ay nagdadalamhati pa rin si Toni Rose Gayda, dahil sumakabilang buhay ang kanyang anak na si James dahil sa isang aksidente.

“Hindi pa rin ako makatulog, lagi ko pa rin siyang naaalala. Hindi mawala sa aking isipan ang mukha ng anak ko. Tanggap ko nang wala na siya sa akin at kasama na niya ‘yung nasa itaas. Pero bilang ina, naalaala ko pa rin ‘yung 27 years na pinagsamahan namin dito sa lupa. Kaya nga sobra-sobra ang pagpapasalamat ko sa anak kong iyon, dahil in 27 years, pinasaya niya ang aking buhay.”

Walang balak magdemanda si Toni sa Wack Wack (Pinacle building), dahil ang lahat ay aksidente lang.

“Hindi nagpakamatay ang anak ko. Hindi niya ginawa at gagawin iyon dahil matalinong bata si James. Kung magpapakamatay siya hindi sa fourth floor siya tatalon, kundi sa taas talaga. No, walang ganu’n, kaya nga magaan sa dibdib kong tanggapin ang nangyari sa kanya, dahil alam kong siguro, iyon ang way ni Lord para ibalik niya si James sa Kanyang kahariaan. Dahil lahat ng ating buhay ay hiram lang.”

More Luck
by Morly Alinio

loading...

9 thoughts on “Derek Ramsay at Angelica Panganiban, ‘di apektado ng photo scandal!

  1. hai naku wala hiya talagang MO n yan…grabe walang respeto…!talo pa nia ung aso…kc ung aso gumagalw ung buntot pag aalis na…eh cxa no reaction daig pa nia patay na daga n napakabaho…yabang parang kung cnong perpekto at kung makapanghusga parang ang linis linis nia..eh isa pa nga cxang sa mga yucky sa showbiz…!hai naku wish ko lng mabasa mo to…feeler ka bakla ka..echusera!im not your fan and im not your haters as well but when i read this article about u and Gma..iam yoUr number 1 haters now..!nakapaka baboy mo dong ayus ayusin mo buhay mo kc your not getting any younger anymore in fact u have a baby girl..you are not a good father and good model to her!napa ka ewwwwww mo dong

  2. bkit ganun sbi private tpos mga prenz lng kasama so feeling ko n 1 sa mga prenz nia nian bkit ganun lng reaction ni derek prang wla lng di mn lng magglit sa nglabas hmmmm n my lalabas pa dw hmm khit n svhin cla di prin mganda sa paningin sna sa loob nlng ng room cla mgdukutan at make suren wlang cam pra safe hehehe ok

  3. for me, there is nothing wrong with the picture. pareho na naman sila of age, at alam nila ang ginagawa nila. ang problema lang yung perception ng tao sa kanila lalo na kay angelica. of course hindi naman pa-demure ang pinapakita nya sa tao, pero at least respeto lang sa babae. whatever they do privately, sa kanila na yon. kung ikaw ba naman may bf na tulad ni derek hindi ka kaya matutukso na abutin “yon”. anyway, respeto lang sa kapwa tao. i think the editor or publisher should know kung ano ang dapat at hindi nararapat na ipalabas. wala naman kasing relevance ang pinalabas na pic eh. kumbaga, what is your purpose of publishing it? for sure wala namang magandang maidudulot to sa ibang tao. out of curiousity you take a look at the picture but after that wala na.

  4. dapat wag ng ilabas ang mga photos, hindi naman kailangan at walang magandang maidudulot. buti na lang derek and angelica have a good attitude about it.

  5. oo nga ok lng yan derek kc wag na taung mgpaka ipokreta ginagawa nman tlaga yan halos lhat ng mgkarelasyon pro xmpre d hyagan at nhihiyang umaminkc bka ma ostracized sa lipunang Pilipino.pro sna sa paparazzi wag ng ilabas ang lhat ng litrato.ok na tong isa kung ilabas nyo pa prang gusto nyo na tlaga sirain ang 2 to.
    pro kung ako c derek f ever lumabas pa ang ibang litrato cguro kailangan na nyang mgdemanda pra nman ipagtanggol ang gf nya dhil kahit pano babae pa rin un.at naku ha bat ayaw alamin kung cno ang ngpakalat nito???nkakatakot kung kaibigan nyo yan bka snud kung ano na nman ang ilabas nyan.upakan na yan hahahaha!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.