Derek Ramsay at Angelica Panganiban, break na?!

MARAMI ANG NAGULAT sa lumabas na balitang break-up nina Derek Ramsay at Angelica Panganiban.

Ayon sa breaking news ni Kuya Ricky Lo, selos daw ang dahilan ng paghihiwalay dahil hindi na raw matagalan ni Derek ang pagiging sobrang selosa ni Angelica.

Noon pa man sa mga interview ng magkasintahan ay aminado si Angelica na siya ang sobrang magselos kesa kay Derek.

Hindi naman nakapagtataka kasi dahil talagang habulin si Derek lalo na ngayong isa siya sa mga pinaka-desirable leading men.

Pero nakikita naman ang pagiging seryoso ni Derek sa relasyon nila ni Angelica kaya dapat maging kampante na ang aktres dito. Hindi rin naman natin alam ang totoong kuwento kaya abangan na lang natin ‘pag nagsalita na ang dalawa.

Ilan sa mga malalapit na kaibigan ng dalawa ay naniniwalang magkakabalikan sila kaya hintayin na lang daw muna at baka magkaayos din.

Pero ang latest na narinig namin, isa si Derek sa nililigawan ng GMA-7 na mag-host sa susunod na season ng Survivor Philippines.

Kung hindi ito matuloy kay Richard Gutierrez, si Derek daw ang nakikita nilang bagay na bagay na mag-host sa naturang reality show. Pero mukhang may existing contract pa ito sa ABS-CBN 2 kaya malabo pa yata ‘yun.

Samantala, inaayos naman ngayon ang Party Pilipinas na siyang papalit sa SOP ng GMA 7.

Ang isa sa narinig naming kinukuhang magiging mainstay ay ang magandang model na si Solenn Heusaf na ex-girlfriend naman ni Derek Ramsay.

Posible kayang magkita sa GMA-7 sina Solenn at Derek? Wishful thinking lang naman.

WALA PA RING nasimulang proyekto si Robin Padilla hanggang sa ngayon. Naging abala lang ito sa bagong advocacy niya sa tulong ng ini-endorse nitong Trust condom sa Trust Family Program.

Active ito sa pag-iikot sa iba’t ibang bahagi ng bansa para ma-promote ang Trust Family Program.

Hindi raw niya kinokontra rito ang simbahan pero nakikiayon lang daw siya sa campaign ng Trust – ang tamang pagpaplano ng pamilya.

Tinanong namin si Robin kung lagi ba itong nagdadala ng Trust condom. “Ang dami niyan sa cabinet ko. Wala naman akong paggagamitan kaya nasa cabinet ko lang sa kuwarto. Ipamimigay ko ‘yan sa mga gustong gumamit nito,” sagot sa amin ng aktor.

Kahit sa mga anak daw niya ay ipinaaalam daw niya ang pag-iingat kaya baka bibigyan na rin nito ng Trust condom ang mga lalaking gustong manligaw sa kanyang mga anak. Pero so far, wala pa raw siyang kinakausap na mga manliligaw ng anak niya.

Gusto raw niya, kapag kakausapin na raw niya ang lalaking makakarelasyon ng anak niya, ito na ang pakakasalan nila.

Nandito pa rin ang mga anak ni Robin kaya bonding siya sa mga ito kapag wala siyang trabaho.

Hindi pa rin niya nasimulan ang pelikulang gagawin sa Star Cinema dahil nakailang palit na raw ng script, wala pa rin silang napagkakasunduan.

Gusto na rin nitong ituloy ang pelikulang ipo-produce niya para kay BB Gandanghari pero marami pa raw revision dahil nagtatalo pa raw sila ng writer sa mga gusto niyang ilagay sa pelikula, gaya nitong mga ipinaglalaban niyang advocacy at ang medyo sensitibong isyu ng kasarian ni BB.

Pero tuloy raw ‘yun. Hindi raw sila nagmamadali dahil ang gusto nito, nagkakasundo silang lahat mula sa writer, kay BB at hanggang sa direktor.

By Gorgy’s Park

loading...

One thought on “Derek Ramsay at Angelica Panganiban, break na?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.