Derek Ramsay, asar sa pagkakabuking ng planong mag-propose ng kasal kay Angelica Panganiban!

SIGURO NGA, MALAPIT nang maging extinct ang lahi ng female host na ito dahil at the age of 24 eh, certified virgin pa rin siya. As in, never been kissed sa lips at sa kahit saan and never been touched din. Pati ang kanyang eyes eh, super virgin pa rin dahil nu’ng first time niyang nakakita ng litrato ng “notes” last week, sobra itong nagtitili na parang nakakita ng kapre.

You may call her a winner or a loser pero ang dahilan nito eh, ang kanyang sobrang strict na parents na nadala ‘yata sa kanyang sikat na ate na maagang nagkaroon ng boyfriend.

Kung minsan eh, nabibigyan naman ng chance ang girlet na ito na makipag-date, pero kailangang kasama ang kanyang mommy or else, hindi matutuloy ang date.

Ito ang dahilan kung bakit kahit maraming boys sa showbiz ang gustong pumorma sa kanya, hindi na lang nila itinutuloy dahil siguradong lulusot sila sa butas ng karayom.

Lahat daw kasi ng desisyon ng girlet eh, pinadadaan sa kanyang mommy. Yap, kahit na mga personal decisions involving love matters.

Hindi bale. Six years na lang ang hihintayin ng mga boys at puwede na siyang magkaroon ng boyfriend dahil sabi daw ng kanyang mommy, kapag 30 years old na siya eh, puwede na siyang maging independent sa kanyang decision.

Ang tanong: May freshness pa kayang maaamoy sa girlet na ito, na may pangalang tunog-lalaki, kapag narating niya ang edad na masasabing quota na sa kalendaryo? Kung hindi n’yo pa rin makuha,e, manood na lang kayo ng TV everyday… getz?!

ASAR DAW NGAYON si Derek Ramsay.

Paano ba naman, na-preempt daw kasi ang kanyang matagal nang plan na mag-propose ng marriage sa kanyang long time girlfriend na si Angelica Panganiban sa kanilang nalalapit na holiday or call it early honeymoon sa South Africa.

Sa press conference kasi ng pelikulang Here Comes The Bride eh, piniga-piga si Angelica tungkol sa marriage proposal ni Derek sa exotic place na ‘yon at kahit hindi niya directly inamin eh, parang alam na rin niya na may planong ganu’n ang kanyang dyowa.

Siyempre, may gatong pa sa isyung ‘yon sina John Lapus and Eugene Domingo na present din sa happening na ‘yon kaya lalong lumakas ang tsikang comfirmed ang marriage proposal.

Months daw kasi ang ginawang preparation ni Derek according sa kanyang mga close friends kaya sa ngayon eh, nag-iisip ang hunk actor kung paano niya gagawing exciting ang nabuko niyang plano.

LAST WEEK, NAG-HEART to heart talk daw ang Kapamilya management at si Queenie Padilla tungkol sa kanyang priority, ang lovelife o ang career.

Ang naging desisyon ni Queenie? Career ang kanyang priority at hindi na muna siya magpo-focus sa kanyang lovelife kaya ang balita namin, nagwawala raw ngayon sa sama ng loob ang kanyang boyfriend na taga-Kapuso.

Dahil sa desisyon ni Queenie na super-sexy na raw ngayon eh, ngayong buwan na raw i-eere ang kanyang teleseryeng tentatively entitled Mumay kung saan makakasama niya si Ejay Falcon.

Si Queenie at si Ejay daw ang bagong loveteam na bubuuin ng channel 2 at susubukan nila kung maluwag itong tatanggapin ng mga fans.

For reactions, please e-mail [email protected]

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

Previous articlePokwang, marami nang bawal sa Amerikanong ‘BF’?!
Next articleSi Dingdong, si Marian at si Snowy!

No posts to display