Derek Ramsay and Angelica Panganiban faced issues regarding the actor’s marital status

HINDI NA NA-SHOCK ang publiko sa ginawang pag-amin ni Derek Ramsay sa TV Pat-rol na may asawa na nga siya. ‘Yung pananahimik niya nang ilang araw ay nangangahulugan na totoo nga ang balita. Kailangan niyang harapin at aminin sa viewing public na kasal na siya sa ibang babae. Ang babaeng pinakasalan niya ay si Mary Kristine Jolly (21 nu’ng pa-kasalan siya ni Derek), model, isang Indian-Filipina na ipinanganak sa Las Piñas. Ikinasal sila ni Derek noong April 3, 2002 sa Mayor’s office ng Balagtas, Bulacan. Sa pagsusuri ng lawyer sa marriage contract nina Mary Kristine at Derek, lumalabas na legal ang kasal nilang dalawa magpa-hanggang ngayon.

Buong tapang namang hinarap nina Derek at Angelica Panganiban ang tungkol sa issue. “My lawyer will be the one to take care of that. This is a very personal matter which I share with everyone and I have to face in the coming month. Just like the other injury that happens every month. I have to focus in my work and to those who are supportive, I wanna say, thank you. She (Angelica) stand by me and our relationship is very strong,” seryosong sabi ng hunk actor habang katabi niya ang actress.

Matapang na tinanggap ni Angelica na ang lalaking minamahal niya ay may asawa na pala. Nangyari naman raw ‘yun noong time na wala pa siya sa buhay ng aktor. Ang importante raw ngayon ay ang present at ang future. Wala raw siyang pakialam sa past relationship ni Derek. Ang pinanghahawakan niya ay ‘yung pagmamahal na ibinibigay nito sa kanya. “Gusto naming harapin na masaya kami, ‘di ba ? Tina-try naman namin ‘yung best namin na labanan ‘to, na okay kami,” wika ni Angel na very supportive sa actor.

Ayon sa aming source, ayaw magpa-interview, mag-comment ni Mary Kristine tungkol sa kanila ni Derek. Naging maayos naman ang kanilang pag-hihiwalay kaya wala raw siyang dapat pang sabihin. Matagal nang tapos ang tungkol sa kanila ng aktor. May kanya-kanya na silang buhay na tinatahak kaya nakikiusap ang Indian-Filipina na patahimikin na lang siya.

Ganoon din si Derek, umaasa ang aktor na sana’y matapos na ang unos na ito na dumating sa kanilang buhay ni Angel. Ang tanong, hanggang kailan? Hanggang saan ang pag-ibig ni Angelica Panganiban kay Derek Ramsay? Sa hinaharap nilang pagsubok, hindi nga ba nasusukat ang pag-ibig?

 

NASA CLOUD 9 na naman si Mariel Rodriguez nang sabihin ni Robin Padilla na pupunta sila sa Vatican para magpakasal. Matagal na palang plano ito ng action superstar, surprise sana ito para sa kanyang asawa kaya lang, may nagbuking sa TV host-actress.

Excited ngayon sina Mariel at Robin sa trip nila sa Rome para magpakasal at the same time, itutuloy nila ang naudlot na honeymoon. Bago sila tumulak sa Vatican, dadalawin muna ni Binoe ang kanyang mga anak na sina Ali ( Australia) at Camille sa US.

Ikinuwento pa ni Binoe kung papaano siya bini-baby ni Mariel. Nand’yang sinusubuan siya habang kumakain. Kahit raw maliit na bagay na kailangan niya ay agad na naibibigay sa kanya. Wala pa silang planong magka-baby. “Hindi ako nag-asawa uli para magka-baby. Gusto ko naman, ako ang baby sa buhay ni Mariel. Ang sarap yata ng feeling na bini-baby ka ng iyong asawa,” say ng action star.

Tanggap na kaya ni Binoe ang nababalitang relasyon nina Kylie at Aljur Abrenica. “Mabait na bata naman si Aljur at sa tingin ko malinis ang kanyang hangarin sa anak ko. Ako, bilang tatay, gusto kong ma-ging masaya si Kylie. Kung saan masaya at maligaya ang anak ko, hindi ko hahadlangan. Gusto ko lang, makilala niya nang husto si Aljur pati ang kanyang pamilya,” pahayag ni Robin.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

17 thoughts on “Derek Ramsay and Angelica Panganiban faced issues regarding the actor’s marital status

  1. Super naman…. Bka merong matinding dahilan si angelica kaya niya tinanggap parin si derek, and im sure dahil mahal niya si derek…….. Wag niyo naman po sana sabihin na pera lang ang habol ni angelica,,, when it c0mes to m0ney may kaya rin naman si angelica sa rubi palang marami na….
    Si angelica,,shes the type of girl na walang tinatag0ng sama ng l0ob kung me gust0 siyang sabihin sinasabi niya talaga..because shes not plastic……

  2. Pingback: Derek Ramsay and Angelica Panganiban faced issues regarding the actor’s marital status | SpinnerNews

  3. Syempre wa pakels si Angelica bruhuilda Kung may asawa na si Derek, Pera Lang naman ang habol ni burukikak.

  4. Super rich na family din sina derek noh! Besides, hiwalay na din naman sila nung unang asawa nya BAGO pa pumasok sa buhay nya si Angelica.

  5. title ng teleserye ni greta n angelica, not alta but hi-class kabit. we’l continue supporting divorce, para maging inyo ang mga lalaki nu.

  6. TAE NGAYON C ANGELICA PANGANIBAN. NABUNYAG NA SA MADLA NA ISA CYANG DAKILANG KABET NA PARAUSAN. SINUNGALING YANG GURANG NA SAKANG NA C DEREK RAMSAY, KUNWARI DI BILIB SA KASAL YUN NMAN PALA EH DI CYA TALAGA PWEDENG MAKASAL DAHIL MARRIED NA CYA. KAWAWANG ANGELICA WALANG SWERTE SA BUHAY. NAGPA-BABOY SA ISANG LALAENG GURANG NA DI NMAN PALA CYA PWEDENG PAKASALAN. BUTI PA PALA C GRETCHEN BARRETTO KAHIT KABET EH SUPER RICH NMAN NI TONIBOY COJUANGCO. C DEREK NA SAKANG EH MAY KAYA LNG. PUTANG ANGELICA, ILABAS MO YABANG MO NGAYON! KARMA YAN SAU! BWAHAHAHAHAHAHAHAHA

  7. LAOS NA KASI ITONG DALAWANG ITO………..ISANG GI BABY AT ISANG PANGIT NA KATUTUBO………….GOODLUCK SA INYO LALO NA KAY DEVELICA NA KABIT LANG PALA

  8. so ganun? ginamit nya si angelica para sumikat siya. nagsinungaling ang powtahngeenah! tarantado kang derek kah. manggagamit ka rin pala. layasan ka ni angelica, sigurado laos ka agad! tagna mu nmn!

  9. Pakiramdam kc ni mariel luckiest girl coz robin marry her di nya alam dami na pinaksalan nyan muslim ata yan…tingnan lng kung si bea ay maiba iba at handang makipag kerengkengan kay robin malamang papakasal din yan hahaha…hwag nya payagan ipareha si robin sa easy to get na kagaya nya at paktay syang mariel sya ahahha iba papakasalan ni robin sa vatican pag nagkataon haha

  10. THATS THE REASON WHY DEREK RAMSEY DONT BELIEVE IN MARRIAGE…KC MARRIED NA SYA AHAHHAHA….KUNG ANO ANO NA GINAGAWA NYA KAY ANGELICA SUPER SUPPORT PA RIN PERO HWAG KA SA IBA MANGYARE YAN SUPER REACT NANAMAN SI ANGELICA NG NEGA…

  11. Nung nagsabog ng pagka OA sa buong mundo tangging ito na yatang MARIEL AT ROBIN ang nakasalo hehehe….

  12. Ang panget ni Derek Guramsey hahaha ang tanda na ng itsura nakakadiri… si angelica naman walang taste yuckie

  13. hala dapat title ng soap nila ni gretchen hindi alta o kung ano pa man kungdi kabiiiiiiittttt.

  14. wahahah ano na teh kabit kalang tulad n gretchen….remmber sabi mu na kabit lang cya wahahahah ano ngayon teh wahahahahha feeling sikat hindi naman ……..at alam mo yan teh matagal na teh d baaaaaaaaaaa wahahahhahahahahah

  15. omg! so totoo pala na kasal na si derek!! well, mahalaga naman ngayon e, di pumasok si angelica sa buhay ni derek nung sila pa ng wife nya.. sana maayos na para maging happy na sila ni angelica at si angelica na ang mapangasawa nya dahil kitang kita naman na mahal nila ang isa’t isa :)
    go derek and angel! ♥

Leave a Reply

Your email address will not be published.