Derek Ramsay & Alice Dixson: If We Fall in Love…

Derek-Ramsay-Alice-DixsonDEREK RAMSAY
Real Name: Derek Arthur Ramsay
Birthdate: December 7, 1979
Zodiac Sign: Sagittarius
Symbol: The Archer

Ruling Planet: Jupiter

Quality: Mutable

Element: Fire

Basic Trait: I Perceive

Closest Metal: Tin

Lucky Day: Thursday
ALICE DIXSON
Real Name: Jessie Alice Celones Dixson
Birthdate: July 28, 1969
Zodiac Sign: Leo

Symbol: The Lion
Ruling Planet: Sun
Quality: Fixed
Element: Fire
Basic Trait: I Will
Closest Metal: Gold
Lucky Day: Sunday

ISANG NATATANGING love triangle ang binuo ng TV5 kamakailan lang para sa programang “For Love or Money”. Si Papa Derek Ramsay ang pinag-aagawan dito ng FHM cover girls na sina Alice Dixson at Ritz Azul. Hotness overload, ‘diba?
Alam naman na natin ang makulay na love history ni Papa Derek. Sina Solenn Heussaff, Angelika dela Cruz, Angelica Panganiban at Cristine Reyes ang nakasulat sa kanyang love filmography. Puro sila mas bagets, ‘di ba? Si Madam Alice naman ay currently waiting sa pag-finalize ng kanyang divorce papers.
It seems that both Derek and Alice are free. Kung titingnan ang age gap ng dalawa, hindi naman ito magkalayo, huh! (mas malayo pa nga ang age gap nina Derek at Ritz, eh!). If given the chance, may tsansa kayang mag-succeed ang relationship nina Derek at Alice? Tutal, pareho naman silang single! Let’s investigate!
Bonggang romansahan ang maaasahan sa pagsasama ng Sagittarius at Leo. Punung-puno ng laughter and energy ang tambalang ito! Ang natural na pagiging pilyo ng Sagittarius ay mas mag-eengganyo sa Leo na ilabas ang kanyang ‘wild’ side. May mga pagkakataon nga lang na hindi masyadong sini-seryoso ng Archer ang feelings ng Lion, na maaaring mag-ugat ng hindi pagkakaunawaan.
Loyalty? Major issue din ‘yan! Kapag nagmahal kasi ang Leo, ibinibigay nito ang lahat at masisigurado ng kasintahan na loyal ito talaga at hindi na maghahanap pa ng iba. Ang Sagittarius naman ay natural na ang pagiging malandi at hindi nito mapigilang tumingin sa iba pang magagandang dilag. Pareho silang may positive outlook sa buhay at mas lalo nitong patitibayin ang kanilang relasyon. Gusto ng Sagittarius na mamuhay nang malaya, na puwedeng pag-ugatan ng selos sa parte ng Leo. Maliban sa mga bagay na nabanggit, mukhang shoot na shoot naman ang tambalang ito!
Maaaakit ang Sagittarius at Leo sa isa’t isa dahil sa kanilang swak na personalities. Pareho silang passionate sa mga bagay na interesado sila at gusto nila na forever happy ang mga taong nakapaligid sa kanila. Tsek na tsek din pagdating sa sexual romance ang dalawa. May mga konting pagseselosan at tampuhan along the way, pero agad naman nila itong malalampasan. In short, pasok sa banga!
Mukhang may future nga talaga sa love department sina Derek at Alice, ha? Why not give it a try? Tutal, papalapit na ang pasko. Malamig ang simoy ng hangin at mas masarap kung may ka-loving-loving!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.