Depressed Na Mister, Hinostage Ang Misis

HINOSTAGE NG isang lalaki ang sarili niyang asawa sa Quiricada Street sa Jose Abad Santos sa Maynila.

Kinilala ng Bambang Police ang naturang suspek na si Leandro Reyes, 66-anyos; at ang kanyang asawa na si Dolores Reyes, 63-anyos.

Dinala na sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Dolores habang sa Mother and Child Hospital ang suspek.

Sinabi ng kanilang anak na galing Baguio ang dalawa at kakauwi lang ng mga ito nang magsimula ang gulo bandang alas-4:00 ng madaling-araw.

Alas-7:00 ng umaga nang magwala ang kanilang ama at dito na hinostage ang asawa gamit ang salamin, kutsilyo at bakal.

Sinasabi namang dumaraan sa matinding depresyon si Leandro.

Samantala, bandang alas-9:00 ng umaga kahapon nang dumating sa nasabing  lugar ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD).

Napilitan silang rumesponde dahil sinusunog na umano ni Leandro ang kanilang tirahan.

Bagama’t may tinamong kaunting sugat ang asawa, mapayapang nagtapos ang hostage-taking.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.