Depressed dahil kleptomaniac Di mapigil ang “kati”, nag-suicide

 

PINANINIWALAANG LABIS na pagkapahiya at depresyon dahil sa lumalalang sakit na kleptomaniac ang sanhi ng pagpapakamatay ng isang 15-anyos na high school student sa bayan ng Bacon, Sorsogon.

Sa ulat ng pulisya, kinilala lamang ang biktima sa pangalang “Totoy”, residente ng Balete, Bacon district, Sorsogon.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas-3 ng madaling-araw noong Sabado nang matagpuan na lamang na nakabitin sa kanilang kuwarto at wala nang buhay ang biktima makaraang magbigti.

Sa salaysay ng ina ni Totoy, matagal na ring pinoproblema ng kanyang anak ang pagiging kleptomaniac nito.

Sinasabing bago pa man ang pag-suicide nito, pinarusahan muna ng kanyang ina ang biktima makaraang ma-nguha ng cellphone charger ng kanyang kasamahan.

Dahil sa depresyon sa sobrang kahihiyan sa sarili at sa pamilya, nagdesisyon ang biktima na tapusin na umano ang kanyang buhay.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.