Deportation vs Chinese Fugitives, Inaayos Na

HINILING NA ng Chinese government na mai-deport sa kanilang bansa ang 17 mga Chinese fugitives na naaresto ng Filipino authorities noong nakaraang linggo.

Kasalukuyang kinumpirma ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Ricardo David Jr., na una nang nakipag-ugnayan sa gobyerno ang Beijing para sa ikadarakip ng mga salarin na nahaharap sa kasong internet fraud at cybercrimes.

Matatandaan na naaresto ang mga suspek sa magkasunod na raid ng Immigration officers sa ilang condo units sa Makati City.

Sa nabanggit na bilang, 15 umano sa kanila ay mga babae.

Binanggit din ng opisyal na bigo rin ang mga dayuhan na maipakita ang kanilang pasaporte at travel documents.

Kabilang sa mga naa-resto ay kinilalang sina Cai Hong Ji, Mei Li, Huan Huan Yu, Si Meng Liu, Jiang Yang, Wenjie Yan, Ruicen Yuan, Zhi Ying He, Ning Zahang, Qian Shi, Liu Jan Wen, Chen Yan Ling, Peng Yuan Yuan, Ling Min Zhang, Zhou Xiao Yun, Chen Qing E, at Guo Yan.

Samantala, inihayag ni BI acting intelligence chief Ma. Antonette Mangrobang, na nakipag-ugnayan na sa kanila ang Chinese embassy’s police attaché para sa agarang pagpapa-deport ng mga suspek pabalik sa mainland China.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.