Deportasyon Kontra Chinese Poachers, Inalmahan

INALMAHAN NG grupo ng mga environmentalist ang plano ng Bureau of Immigration (BI) na i-deport ang 12 Chinese nationals na naaresto matapos sumadsad ang kanilang barko sa bahagi ng Tubbataha Reef sa Sulu Sea.

Una rito, kinumpirma ni Palawan provincial prosecutor Allen Ross Rodriguez na sumulat na sa kanilang tanggapan si BI Commissioner Ricardo David Jr., kung saan hiniling ng opisyal na mai-turnover sa kanila ang mga salarin para sa deportation proceedings.

Pero ayon sa grupong Palawan-NGO Network, may nakabinbin nang kaso laban sa mga banyagang mangingisda, kung kaya’t kuwestiyunable umano ang motibo ng BI na basta na lamang pauwiin sa kani-lang bansa ang mga ito.

Sa katunayan, una na ring humiling ang grupo ng hold departure order laban sa mga sangkot na dayuhan.

Matatandaan na noong Abril, naaresto ang mga nabanggit habang nangingisda sa tinaguriang World Heritage Site matapos mabahura ang kanilang sasakyang pandagat.

Samantala, nahaharap ang mga ito sa kasong poaching, illegal possession of endangered wildlife at attempted bribery.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.