Deployment sa tropang militar sa Spratlys, routine lang

BINIGYANG-LINAW NG gobyerno ng Pilipinas na bahagi lamang ng “routine” ang deployment ng bagong tropang militar sa bahagi ng Pag-Asa Island sa pinag-aagawang Spratlys, sa bahagi ng West Philippine Sea.

Sinabi ni Kalayaan Mayor Eugenio Bito-onon Jr. na noong bago pa sana mag-Pasko gagawin ang pagpapalit ng air at naval contigents sa kanilang lugar subalit naipagpaliban ito dahil sa masamang lagay ng panahon.

Matatandaan na ang isla sa rehiyon ay sentro ng territorial disputes sa pagitan ng iba’t ibang claimant states, kabilang ang China, Brunie at Taiwan.

Sinabi rin ng alkalde na sa kasalukuyan ay wala naman silang namo-monitor na anumang foreign naval activity sa kanilang lugar.

“We don’t monitor any naval activities of China out there because of the prevailing weather,” pahayag ng alkalde.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.