Deployment Ban VS Pinoy workers sa Lebanon at Jordan, Inalis Na

TINANGGAL NA ng Pilipinas ang pagbabawal ng pagpapadala ng mga Filipino workers sa bansang Lebanon at Jordan.

Sinabi ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz na naglabas ng resolution ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para payagan ang deployment ng mga Pinoy sa nasabing mga bansa.

Ngayong 100 porsiyento nang inalis ang deployment ban sa naturang mga bansa, ang mga Pinoy na kasalukuyang nagtatrabaho roon ay maari nang umuwi ng Pilipinas na walang pina-ngangambahan na mawalan ng trabaho dahil maaari pa silang bumalik, ani Baldoz.

Matatandaan na nagpatupad ng deployment ban sa mga Pinoy workers sa bansang Lebanon at Jordan ilang taon na ang nakaraan dahil sa mga kaguluhan doon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.