Depensa vs Hackers, Pinalalakas

MINAMADALI NA umano ng pamahalaan ang pagpapalakas ng tinatawag na government web-hosting service, para maiwasang maulit ang pananabotahe ng mga hackers sa mga opisyal na governmental portals.

Sinabi ni Department of Science and Technology-Information and Communication Technology Office (DOST-ICTO) deputy director Monchito Ibrahim na matatapos sa kalagitnaan ng 2014 ang paglilibat ng hosting ng mga government websites sa iisang template.

Ito aniya ay alinsunod na rin sa Administrative Order No. 39 na inisyu ng Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Kabilang aniya sa isasailalim sa itatayong Government Web Hosting Service (GWHS) ay ang mga websites ng national government agencies, government financial institutions, government-owned or controlled corporations, inter-agency collaborations, programs at projects.

Maaalala na halos 40 government portals ang sinabotahe ng hackers kamakailan bilang protesta sa pork barrel system.

Samantala, kabi-lang sa mga pinasok ng hackers ay ang portal ng Office of the Ombudsman, ilang embahada, tanggapan ng transportasyon, LGU, DepEd at GSIS. Pangunahing target ng panawagan ay ang tanggapan ng Ombudsman na may hawak ng mga kaso laban sa mga public officials.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.