Depensa at prosekusyon, nagkasundo

KUNG DATI ay nagbabanggaan at nagbabangayan ang kampo ng prosekusyon at ng depensa sa impeachment trial, kahapon ay nagkaisa ang dalawang kampo sa isang verbal motion para makauwi nang maaga bilang konsiderasyon sa selebrasyon ng Araw ng mga Puso at sa kaarawan ni Presiding Officer Senator Juan Ponce Enrile.

Unang nagsalita si dating Justice Serafin Cuevas ng depensa na humiling na ma-adjourn nang maaga ang paglilitis upang makapag-selebra ng Valentine’s day at bilang konsiderasyon sa pagseselebra rin ni Sen. Enrile ng kanyang kaarawan. Sa pambihira ngang pagkakataon, sumang-ayon ang prosekusyon sa hiling ng depensa sa pangunguna ni Iloilo Rep. Niel Tupas, Jr.

Maging ang ibang senator-judges ay kinatigan ang pakiusap ng dalawang kampo.

Samantala, nauna namang umuwi si Senator-Judge Miriam Defensor Santiago dahil sa muling pagtaas ng presyon, matapos na magalit sa prosekusyon sa pagtalakay ng pekeng bank documents na naiharap ng mga kongresista sa Senate Impeachment Court.

Pasado alas-4 ng hapon ay tinapos na ng Senado ang impeachment proceedings para sa ika-17 araw ng Corona trial. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.