DepEd: Transferees Mula sa Binagyong Lugar, Tatanggapin sa Public Schools

IPINAG-UTOS NI Department of Education (DepEd) Secretary Bro. Armin Luistro sa mga opisyal ng mga pampublikong elementary at high school sa bansa na tanggapin at lingapin ang emergency transferee students mula sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Yolanda.

Sinabi ni Luistro na napakahalaga ng hakbang na ito para agad maipagpatuloy ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral matapos ang nasabing kalamidad.

Kasama sa direktiba ang kalihim ang pagha-hanap at pagsasaayos ng school records ng mga lilipat na estudyante.

Samantala, umapela at nanawagan din si Luistro sa mga pribadong eskuwelahan na bigyang konsiderasyon ang mga biktima ng nagdaang kalamidad na lilipat sa mga pribadong paaralan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.