DepEd, Tiniyak na Maayos ang Pagbubukas ng Klase

TITIYAKIN NG Department of Education (DepEd) na magiging maayos ang pagbu¬bukas ng pasukan sa bansa sa Lunes, Hunyo 3.

Nagdaos ng isang command conference ang DepEd kahapon upang plantsahin ang mga plano sa pagbubukas ng School Year 2013-2014, na dinaluhan naman ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Kabilang sa mga nasabing government agencies na dumalo sa command conference ay ang mga kasapi ng Oplan Balik Eskwela inter-agency task force na kinabibilangan ng Department of Public Works and Highways, Department of Trade and Industry, Department of Transportation and Communications, Department of Health, Department of Interior and Local Government, Philippine National Police, Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, Department of Energy, Metropolitan Manila Development Authority, Manila Electric Co. at mga water  concessionaires.

Sinabi ng DepEd Research and Statistical Division na may 23.8 milyong estudyante ang inaasahang magbabalik-eskwela sa bansa sa Lunes, kabilang ang 13,259,489 elementary pupils sa mga public schools at 1,216,693 sa mga private schools.

Sa secondary level naman ay 5,641,901 estud¬yante ang nag-enroll sa mga public high schools at 1,408,347 naman sa mga private schools.

Mayroon namang 2.2 milyong kinder students na nagpatala, kabilang ang 1,773,505 sa public schools at 428,981 sa private schools.

Samantala, ang School Year 2013-2014 ay may kabuuang 201 school days na magsisimula sa Lunes at magtatapos sa Marso 31, 2014.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.