DepEd, isasailalim sa alternative learning ang 12-K estudyante sa Zambo

NGAYONG LINGGO, sisimulan na ng Department of Education (DepEd) ang pagpa-patupad ng Alternative Learning System (ALS) para sa tinatayang 12,000 estudyante na apektado ng kaguluhan sa Zamboanga City.

Ayon kay DepEd Asec. Rey Laguda, binabalangkas na nila ang “informal mode” sa pagtuturo sa mga estudyante habang hindi pa bumabalik sa normal ang sitwasyon ng seguridad sa lungsod.

Kabilang sa mga apektadong estudyante ang mga nasa 21 public schools na nasa loob ng “danger zones”

Una na ring inihayag ni city mayor Beng Climaco na naghihintay pa sila ng “go signal” mula sa militar kung kailan babalik ang pasok ng mga eskuwelahan sa mga apektadong barangay.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.