DepEd District Supervisor, Tinambangan

INAALAM PA ng mga kinauukulan kung mistaken identity lang o target talaga ng mga gun for hire ang district supervisor ng Department of Education-Division of Iloilo sa bayan ng Pavia.

Sakay ng kaniyang kotse ang biktima na si Pasencia Jovero, 62, ng Pagsangaan, Pavia, Iloilo at papunta sana sa paa-ralan nang barilin ng riding in tandem sa Tigum, Pavia, kamakailan.

Base sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, pinaputukan ng mga salarin ang sasakyan ng biktima at pinilit na buksan ang pinto nito subalit nang hindi mabuksan, muli itong pinaputukan.

Tinamaan ng bala ang biktima sa kanyang likod at ang kaniyang 11 anyos na pamangkin at nananatili pa rin sa pagamutan.

Ayon kay P/S/Insp. Dante Dumaguing, hepe ng Pavia Police Station, posibleng napagkamalan lang ang biktima ngunit hindi naman inaalis ang posibilidad na hold-up ang motibo dahil may dala umanong malaking halaga ng pera ang biktima.

Samantala, bago nangyari ang insidente, namataan ang isa sa mga suspek na nagmamatiyag sa bahay ng biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.