Deped, binaha ng reklamo

BUMAHA ANG REKLAMO sa itinayong Oplan Balik-Eskuwela (OBE) command center ng Department of Education (DepEd) simula noong Mayo 30.

Sinabi ni DepEd Secretary Bro. Armin Luistro na hanggang alas-10:00 ng umaga kahapon ay umaabot na sa 58 na concerns ang natanggap, kung saan labing isa rito ay reklamo kaugnay ng paniningil ng school fees, lima naman ang queries at tatlo naman ang request. Sa 58 na concern, naresolba na ng mga opisyal ng kagawaran ang 49 habang ang tatlo ay tinututukan na rin ng mga concern people para maayos.

Kabilang rin sa mga problema ay ang requirement for transfer at status ng ilang private schools kung ito ay recognized ng kagawaran. Mayroon ding mga maliliit na reklamo gaya ng replacement ng textbooks at clarification on enrollment policies.

Ang mga reklamo ay ipinarating sa pamamagitan ng text messaging, e-mail at tawag sa telepono.

Ang OBE command center ay itinatag para sa mga reklamo, queries, request ng mga magulang at estudyante kaugnay ng school opening. (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.