Department of OFW?

KAMAKAILAN AY nagpanukala si Sen. Manny Villar na buuin ang isang bagong departamento — ang Department of OFW. Ani Villar, ito ang paraan para mas higit na matutukan ng pamahalaan ang mga problema ng ating mga OFW. Ngunit ito ay tinututulan ng ilang senador din tulad nina Sen. Loren Legarda at iba pa. Pag-aralan natin ang argumento ng magkabilang panig.

Para sa mga pabor dito, layunin ng bagong departamento na maipon sa ilalim ng iisang kagawaran ang mga ahensiyang may kinalaman sa mga OFW. Kabilang na rito ang POEA, OWWA, OUMWA ng DFA at iba pang ahensiya. Sa gayon, mapabibilis ang koordinasyon ng mga nasabing ahensiya at ‘di na malilito o mapapagod ang mga OFW sa kababalik-balik sa paglalakad ng mga papeles o kaso.

Para sa mga tutol dito, magastos lang daw ito. Isa pa, ‘di na raw kailangan ang pagbubuo ng bagong kagawaran dahil nand’yan naman ang POEA, OWWA, DFA at DOLE na umaasikaso sa mga OFW. Madu-duplicate lang daw ang trabaho ng mga ito.

Sa aking palagay naman, ang mahalaga’y ang mga taong uupo sa bagong kagawaran. Kung palpak na naman ang mga mamumuno nito, mas sisidhi pa ang problema ng mga OFW. At magagastusan lamang ang pamahalaan. Ngunit kung kuwalipikado at matino ang magpapatakbo rito, malaking tulong ito sa ating mga OFW. Wala sa istruktura kundi nasa sa tao ang ikinagaganda ng takbo ng anumang institusyon.

 

LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: omecandazo@yahoo.com

 

 

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

loading...

5 thoughts on “Department of OFW?

  1. I agree with legarda and other senators to leave the old system for ofw baka lang kasi mas mahirapan pa sila na magadjust or malito sa pagaapply ng mga papers

  2. eh kung iba na lang kaya ang bigyan ng importansya??? nasanay na ang mga ofw sa sistema na yan kaya wag na lang pakielaman at galawin baka malito lang ang mga nangingibang bansa ok?

  3. para sakin hindi kailangan magbuo pa ng bagong  ahensya,mas malilito at magagastusan lang ang mga ofw. ok na saken yung dati.

Leave a Reply

Your email address will not be published.