Dentistang mahal sumingil, patay sa saksak ng pasyente

ALBAY – DAHIL SA mahal na singil sa pasta, pinagsaksak hanggang sa mamatay ang isang dentista ng kanyang pasyente sa mismong clinic nito sa lungsod ng Naga.

Dead on the spot ang biktimang si Dr. Nerlie Ablan, 30-anyos, nang saksakin mismo sa clinic nito sa Gen. Luna St., dakong 6:30 ng gabi noong Miyerkules.

Arestado naman ang suspek na si Jervie Felipe Velasco, 18-anyos at residente ng Bgy. San Isidro, Libmanan, Camarines Sur.

Sa salaysay ng suspek, namahalan siya sa pagsingil sa kanya ni Ablan nang siya ay magpapasta ng kanyang ngipin.

Duda naman si SPO4 Pitallano ng Naga City PNP sa dahilan ni Velasco dahil kuwestiyunable umano ang pagkakaroon nito ng patalim. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Dentistang mahal sumingil, patay sa saksak ng pasyente

  1. A catchy headline that gives a negative impression to the victim….. ? just to earn more money out of sold prints? poor you parazzi site and to those who do the same. You should only be using this to click advertising rates not for sensitive issues.

Leave a Reply

Your email address will not be published.