Dentista, Kritikal; Asawa at Anak, Sugatan sa Bangga ng Motorsiklo

MAHIGPIT NA mino-monitor ng mga manggagamot ang kalagayan ng dentista na kritikal makaraang mabangga ng motorsiklong minamaneho ng isang guwardiya sa Albay.

Nagtamo ng matinding tama sa ulo at katawan ang biktima na kinilalang si Dra. Mylene Andes ng Legazpi City Health Office, habang sugatan naman ang asawa at anak nito.

Napag-alaman na patawid na sa kalsada ang pamilya Andes sakay ng motorsiklo para sana ihatid ang kanilang anak sa eskuwelahan.

Subalit, biglang sumalubong sa kanila ang humaharurot na motorsiklo na minamaneho naman ng guwardiya na kinilalang si Notario Bongbong Malagueno sa isang pribadong mall sa lalawigan.

Dito na tumilapon ang dentista na nagkataon na pawang walang mga suot na helmet.

Samantala, agad namang sumuko sa Legazpi City Police Station ang salarin sa naturang insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.