DENR-NCR, nag-donate sa nasunog na eskuwelahan sa Navotas

PINURI NI Navotas City Mayor John Rey Tiangco kahapon ang naging aksiyon ng Department of Environment and Natural Resources-National Capital Resources (DENR-NCR) sa pagdo-donate ng 100 bagong school desks sa San Roque Elementary School na nasunog noong nakalipas na taon.

Ayon kay Tiangco, ang mga bagong desk ay kabilang sa 600 school desks na ipinagawa ng DENR-NCR na siyang ipinamigay sa iba’t ibang elementary school sa NCR.

Ang San Roque Elementary School ang kauna-unahang binigyan ng mga school desk ni Engr. Nilo Tamorio, DENR-NCR director.

Sinabi ni Tamorio, bukod sa mga desk ay namahagi pa ang DENR-NCR ng mga school supplies sa mga estudyante para magamit sa kanilang pag-aaral.

“Malaking tulong ito sa aming estudyante matapos masunog ang eskuwelahan noong nakaraang taon,” wika pa ni Tiangco.

(ROMAN MAGPOC)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.