DENR Employee, Durog sa Trak

AGAD NA namatay ang isang empleyado ng Office of the City Environment and Natural Resources (OCENR) makaraang madaganan ng sinakyan niyang truck sa highway ng Barangay Lumbangan sa Zamboanga City.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Rene Mariano Enriquez, 50, at residente ng nasabing lugar.

Base sa report ng nakalap ng Zamboanga City police station 5, pasado alas-7:00 ng umaga kahapon, nakisakay ang biktima sa isang truck na kumakarga ng mga manok papunta sa kanyang trabaho.

Ayon sa driver ng truck na kinilalang si Roel Amador, nagkaroon umano ng problema sa pagtakbo ang minamaneho niyang truck na nag-udyok sa biktima para tumalon.

Sa pagtalon ng biktima ay tuluyan siyang nahulog na siya namang pagdaan ng truck kung siya nadaganan.

Pagkatapos ay dumiretso ang truck sa bahay ng isang Barangay Kagawad Lito Bejerano ng nasabing lugar na bahagyang nasira.

Samantala, masuwerte namang walang nasugatan sa mga nakatira sa nabanggit na bahay.

Sa ngayon, naka-confine na sa pagamutan ang driver ng truck dahil sa tinamong sugat sa katawan dahil sa nangya-ring insidente.

Habang hinihintay naman ng mga awtoridad ang pamilya ng namatay na biktima kung sasampahan pa ba nila ng kaso ang driver ng truck.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.