Dennis Trillo, wala raw binabalikang ex

Dennis-TrilloHALATANG IRITA na si Dennis Trillo sa pagkakadawit sa kanya sa break-up nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado.

Sa press launch ng album nila ni Tom Rodriguez na TomDen, diretso ang sagot ni Dennis na wala siyang binabalikang ex-girlfriend. Kaya wala raw siyang maisip kung kanino niya ide-dedicate ang kanyang One More Try.

Sabi nga niya, kung type siyang balikan ng ex-girlfriend, bahala raw sila, pero baka friends lang daw. Bongga, ‘di ba?

Kaya bakit daw lagi siyang kinakabit sa mga break-up? Hindi lang sina Luis at Jennylyn, kundi pati nu’ng sina Derek Ramsay at Cristine Reyes.

Sa ngayon ay mas okay raw siya na single. Kung sakaling ma-in love daw siya uli, sana huwag na raw sa showbiz. Mas gusto na lang daw niya ang tahimik na lovelife.

Pero busy ngayon si Dennis sa promo ng album nila ni Tom, aalis pa sila pa-Amerika para sa US concert tour nila at kailangang may time din daw siyang mag-bonding sa pamilya niya at sa anak niyang si Calix lalo.

Balak niyang bumalik sa isang resort sa Aurora at gusto niyang isama roon ang kanyang anak.

Nakita ko nga sa Instagram ng isang taga-Startalk na kasama ni Dennis ang anak niya at tinuturuan niya itong mag-surfing. Nagi-enjoy ang bagets, ha? Matapang siyang nagsu-surf sa tubig.

Dennis-Trillo

PUMUNTA SI Charice Pempengco sa puntod ng Daddy niya nu’ng October 31 dahil bukod sa Undas, death anniversary rin pala.

Ang tanong: nagkita kaya sila ng Mommy niya du’n? Feeling ko hindi. Ang dinig ko, hindi pa rin okay ang Mommy ni Charice sa pamilya ng Daddy niya. Hindi rin okay ang mag-ina kaya tiyak na iiwasan si Charice ng Mommy niya.

Aminado ang international singer na hanggang sa ngayon ay nalulungkot siya dahil hindi pa rin sila okay ng Mommy niya.

Lumalabas daw kasing napapagitnaan siya ng pagmamahal sa Mommy niya o kay Alyssa Quijano. Sabi ni Charice, iba naman daw ‘yun, kaya umaasa pa rin siyang tatanggapin na sila ng Mommy niya.

May nagkuwento nga sa Startalk na matigas pa rin daw ang mommy ni Charice at hindi pa rin daw ito handang makipag-ayos sa anak niya.

Pero sabi naman ni Charice, kung ikumpara noon, tingin daw niya medyo lumalambot na ang Mommy niya kaya umaasa siyang magiging okay na sila sa malapit na panahon.

Sa Novermber 5, may concert si Charice na ‘One Voice’ na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World, at iimbitahin daw uli ni Charice ang mommy niya. Sana raw mapagbigyan siya. Hindi kasi ito sumipot sa nakaraang concert niya nu’n nila ni Aiza Seguerra kaya emote-emote nu’n si Charice.

Pero ang isang gusto sanang manood sa concert na ito ay ang lola niyang si Lola Tess. Sobrang na-miss na raw nito si Charice kaya sana dalawin na raw siya kahit dalhin pa nito si Alyssa.

Dati kasi kontra rin si Lola Tess sa relasyon ng dalawa, pero ngayon ay okay na raw sa kanya at tanggap na raw niya ito.

Kaya tingnan natin kung makakapanood ang Lola Tess niya sa concert at kung magkikita sila roon.

Itong nalalapit na concert ni Charice ay fund-raising project niya para sa mga nasalanta ng lindol sa Bohol. Kasama ni Charice dito ang dyowang si Alyssa dahil magaling din itong kumanta, eh.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Dennis Trillo, wala raw binabalikang ex

  1. wala namang kwentang maging karelasyon yang si dennis trillo, palaging sinosyota ang mga leading ladies, pag nagsawa tsugi na, dapat diyan tuluyan nang mabakla

Leave a Reply

Your email address will not be published.