Dennis Trillo, takot nang magkamali sa pag-ibig

Dennis-TrilloANG MAY masamang mangyari sa pamilya ang isa sa kinatatakutan ni Dennis Trillo nang makausap namin sa presscon ng bagong indie film niyang Sapi noong Martes ng gabi sa Chantilly Villas, Mandaluyong City.

Tsika nga ni Dennis, “Isa sa kinatatakutan ko talaga ‘yung may masamang mangyari sa miyembro ng pamilya ko. Like ‘pag may nababalitaan akong nagkakasakit or nagkakaroon ng konting problema sa pamilya, medyo naapektuhan talaga ako.”

May kinakatakutan ka ba sa love life? “Sa lovelife, medyo marami na kasi akong pinagdaanang hindi maganda kaya feeling ko na-train na ako d’yan, kaya hindi na ako masyadong natatakot.”

Kaya naman daw mas gusto pang maging single ni Dennis at iwas munang magkaroon ng karelasyon at kahit nga marami ang nagsasabing napagkikita itong kasa-kasama raw ang kanyang mga ex-girlfriend, mariin naman itong pinabulaanan ni Dennis at sabay sabing happy siya to be single at mas gustong mag-focus muna sa kanyang trabaho.

Ayaw na raw kasi nitong magkamali, kaya naman kapag umibig daw siyang muli ay sisiguraduhin na niya ang kanyang makakarelasyon ay ang babaeng makakasama niya nang pangmatagalan.

Dennis-Trillo

BONGGA ANG line-up ng mga kandidata ng 2013 Amazing Philippine Beauties dahil karamihan ng mga kandidatang maglalaban-laban ngayong taon ay may kahawig na mga artista.

May kahawig ni Katrina Halili, Carla Abellana, Rachel Alejandro, Rochelle Pangilinan, Iza Calzado, Charlene Gonzales-Muhlach, Max Collins, Rachel Lobangco, Marian Rivera, atbp. Kaya naman pihadong mahihirapan ang magiging hurado sa kung sino sa mga naggagandahang kandidata ang kanilang kokoronahan ngayong taon.

Magaganap ang kanilang Pre-Pageant sa November 16, 2013, 9pm, at ang Coronation Night naman ay magaganap sa Nov. 23, 9pm, sa Manila Film Center, CCP Complex, Roxas Blvd., Pasay City sa pakikipagtulungan ng Pasay City Tourism and Cultural Development Office.

 

MUKHANG MAGIGING maligaya ang Kapaskuhan ng ating mga kababayan na makasasali sa pinakabagong game show ng TV5, ang Let’s Ask Pilipinas, na napapanood tuwing Lunes hangang Biyernas, 8:00-8:30 pm, hosted by Aga Muhlach, dahil sa laki ng perang mapapanalunan dito.

Ito nga ang kauna-unahanag game show ni Aga kaya naman sobrang saya nito at very thankful sa TV5 sa pagkakataong ibinigay sa kanya para maging host ng nasabing game show.

At ito rin ang natatanging game show na puwedeng suma­li ang mga contestant, kahit nasa bahay lamang sila at puwedeng makapag-uwi ng tumataginting na  kalahating milyong piso sa pamamagitan ng paggamit sa kanilang mga tablet, computer at mobile phones.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Dennis Trillo, takot nang magkamali sa pag-ibig

Leave a Reply

Your email address will not be published.