Dennis Trillo-Pauleen Luna romance, naudlot – Gorgy’s Park

MAGANDANG PASALUBONG KAY Cristine Reyes na kararating lang ng Korea ang pelikulang pagsasamahan nila ni Vic Sotto.

Tuwang-tuwa ito nang makita niya ang script dahil ngayon lang daw niya natiyak na tuloy na tuloy na talaga ang project na ito na entry ng Octoarts at M-Zet sa Metro Manila Film Festival.

Ito iyung entry ni Bossing Vic, ang Darling Kong Aswang kung saan si Cristine ang gaganap na ka-partner nito na isang aswang.

Sobrang excited daw siya dahil makakasali na siya sa MMFF at mae-experience na raw niya ang magparada sa Pasko.

Sinabi na rin namin kay Cristine na isa sa makakasama niya sa pelikulang ito ay si Pauleen Luna na naugnay sa ex-boyfriend niyang si Dennis Trillo.

“Ah, talaga? Okay lang naman iyun eh, kaibigan ko naman si Pauleen,” sagot nito.

Wala naman daw silang problema ni Pauleen at kung sakaling magkasama sila sa shooting tiyak na hindi naman daw nila pag-uusapan si Dennis.

Sobrang nakapag-move on na raw siya at ang latest ngang balita ay tila nagkakalabuan naman sina Pauleen at Dennis.

Nakarating na rin daw kay Cristine ang nangyari kay Dennis sa Boracay at ang tanging nasabi lang nito ay dapat na mag-ingat talaga kahit nagbabakasyon ka lang.

Nalungkot lang daw siya dahil kaibigan din naman daw niya itong si Jbee Borbajo na nasawi doon sa Boracay.

Lalong sumeksi ngayon si Cristine kaya waging-wagi ang FHM magazine na kung saan siya ang cover.

Nagkaroon nga ito ng autograph signing sa sa Robinson’s Galleria kamakalawa lang at talagang dinagsa ito ng mga kalalakihan na bumili ng magasing iyun.

SI PAULEEN NAMAN ay nakatsikahan ng Startalk nu’ng nakaraang farewell party ng Adik Sa ‘Yo at nahirapan itong sagutin ang tungkol sa tunay na kalagayan ng relasyon nila ni Dennis dahil wala naman daw silang inamin.

“We were dating, kaso nga lang naudlot,” na natawa na lang sa nangyari sa kanila ng aktor.

“For me, kung kayo naman kayo, eh. Mahirap kasi ipilit ‘yung mga bagay na hindi pa dapat sa tamang oras. Pero hindi ko naman pinanghinayangan na naging close kami kasi that will always stay,” dagdag na pahayag nito.

Mas mabuting mag-concentrate daw siya sa trabaho dahil kasisimula lang nitong mag-taping ng bagong seryeng Now That I Have You kung saan sina Mark Herras at Jennylyn Mercado naman ang makakasama niya dito.

Ang pagkakalam namin, ang huling pag-uusap nina Pauleen at Dennis ay nu’ng may nangyari sa Boracay.

Natakot din naman daw siya sa nangyari kay Dennis dahil nandiyan pa rin naman daw ang care sa aktor. Humingi nga raw sa kanya ng tulong si Dennis dahil may mga kamag-anak doon si Pauleen sa Boracay.

Pero hindi naman ito pinabayaan ng Discovery Shores at ng ilang malalapit nitong kaibigan kaya hindi na nag-effort si Pauleen.

Pagdating nga ni Dennis ng Maynila ay kaagad na na-confine ito sa hospital pero hindi na ito nadalaw ni Pauleen.

Parang mas type na lang ng dalaga na i-enjoy ang pagiging single.

By Gorgy’s Park

loading...

2 thoughts on “Dennis Trillo-Pauleen Luna romance, naudlot – Gorgy’s Park

Leave a Reply

Your email address will not be published.