Dennis Trillo: Pagsasaya na Nauwi sa Trahedya!

Isang balita ang natanggap namin tungkol sa aksidenteng naganap sa Boracay, kahapon, bandang alas-dos ng hapon, na kinasasangkutan ni Dennis Trillo at dalawa pang kasama. Agad naman namin itong pinatutukan sa aming impormante sa Boracay.

Sa ulat na nakalap namin, sugatan si Dennis Trillo at isa pang kasamang babae (ayon sa breaking news ng DZMM, si Maxine Eigenmann ang babae), samantalang namatay sa pagkalunod ang kasama nilang lalaki na nakilala sa pangalang ‘Jolly Bee Bordajo (JB).’ Matagal nang kaibigan ni Dennis si JB na handler ng GMA talent na si Gian Magdangal.

Nagtungo si Dennis sa Boracay, kamakalawa, para sa isang raket, at para na rin magbakasyon. Sinamahan lang siya roon ni JB. Posible namang naroon lang din sa Boracay ang babaeng kaibigan na kasama nga nila sa insidente.

Ayon sa impormasyon, nagsu-swimming ang tatlo sa mabatong bahagi ng beach. Tumalon umano mula sa isang malaking bato si ‘JB’ nang tumaas ang tubig at lumaki ang alon, dahilan para matangay ito, at humingi ng saklolo kina Dennis. Sinubukan pa umanong sagipin ni Dennis ang kaibigan, nahawakan pa nito ang kamay ni ‘JB’ pero muling humampas ang malakas na alon, dahilan para mabitawan ang nalulunod na si JB.

Nagtamo rin ng mga sugat sa katawan at braso si Dennis bunga ng pagkakahampas sa mabatong dalampasigan.

Dinala si Dennis at ang kasamang babae sa MDMP Clinic sa Boracay para agad na mabigyan ng karampatang-lunas. Pansamantala namang inilagak ang labi ni JB sa provincial hospital sa Boracay habang naghihintay pa ng iskedyul na madala sa Caticlan para maisaayos ang labi.

Dagdag pa ng aming impormante, kasalukuyang nasa Discovery Shores si Dennis at ang kasamang babae, dahil nakita umano ang dalawa na isinakay sa sasakyan ng nasabing hotel resort nang balot na balot ng kumot.

loading...

2 thoughts on “Dennis Trillo: Pagsasaya na Nauwi sa Trahedya!

  1. rest in peace JB. condolence to his family.

    wishing that dennis will recover soon from the emotional trauma of this tragic incident. thank God that he is safe.

Leave a Reply

Your email address will not be published.