DENNIS TRILLO, NO COMMENT SA PAGBUBUNTIS NI CARLENE AGUILAR

NAGING EMOTIONAL SI Nonito Donaire nang mag-guest sa Startalk nung Sabado dahil napag-usapan ang tungkol sa pagkakaayos niya sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang ama. Sa salitang Bisaya, nagbigay ng mensahe ang boksingero sa kanyang ama. Maluha-luha itong humingi ng tawad sa kanyang mga ginawa at sinabi noon.

Nagpasalamat din si Nonito sa kanyang asawang si Rachel dahil ito ang gumawa ng paraan para  magkaayos sila ng kanyang pamilya. Tuloy na rin daw ang church wedding ng mag-asawa sa November 11 dito sa Pilipinas, pero hindi pa niya masasabi kung saan ito gaganapin. Tiyak na dadalo raw ang kanilang pamilya, kaya excited na sila sa espesyal na araw na ‘yon.

Pero hindi pa masasabing okey na si Nonito sa ilang sports writers gaya ni Chino Trinidad. Nag-twit si Chino na gusto na niyang tapusin ang hidwaan nila ng boksingero bago ito lumaki pa, pero galit pa rin ito nang magsalita siya sa Showbiz Central kahapon.

Sana nga ay ayusin na nila ‘yan dahil pareho naman silang Kapuso.

KINUMPIRMA NA RIN ni Carlene Aguilar sa Startalk na magdada-lawang-buwan na siyang buntis. Sinagot din niya ang lumabas sa isang diyaryo na ikalawang beses na raw itong pagiging dalagang ina niya. Ewan ko naman kung nasaan ang nagsulat nun nang aminin ni Carlene na kasal na siya sa non-showbiz boyfriend niyang si Yo Ocampo.

Magdadalawang taon nang kasal si Carlene, kaya hindi na siya dalagang ina. Sabi nga niya sa interview namin via phone patch, tama na ‘yung nagkamali siya minsan at ayaw na niyang maulit ‘yon.

Nilinaw na rin ni Carlene na wala siyang balak na palitan ang apelyido ng anak niya kay Dennis Trillo na si Calix. Apelyido pa rin ng aktor ang gamit ng bata. At para hindi na raw ito magtaka kung bakit iba ang apelyido nito sa ka-patid niya, ilalapit na lang daw niya sa pangalan ni Calix ang pa-ngalan ng ikalawa niyang anak.

Kung baby boy daw, lalagyan din niya ng ‘Andreas’ ang second name gaya ng kay Calix. Kung baby girl naman ay ‘Andrea’. Nakahanda naman daw si Calix na magkaroon na ng kapatid.

Ayaw nang magkomento naman ni Dennis sa pagbubuntis ni Carlene. Matagal na raw niyang alam ‘yon dahil naikuwento na ito ng mga kapatid niya. Wala naman daw siyang masasabi dahil matagal na ngang kasal si Carlene kay Yo.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “DENNIS TRILLO, NO COMMENT SA PAGBUBUNTIS NI CARLENE AGUILAR

  1. Wala akong kainte-interest na panoorin itong mag-asawa ni donaire pag sila ang nasa news o pag sila ay nagi-guest sa talk show. Buti na lang at nauso ang DVR kaya pwede ng i-fast forward kung ayaw mo ng pinapanood mo. :-)

Leave a Reply

Your email address will not be published.