Dennis Trillo, natorpe kay Heart Evangelista – Chit Ramos

NASAMPULAN AGAD NI Dennis Trillo ng kanyang bagsik si Heart Evangelista sa dalawang beses na pagtatambal nila. Una sa Dear Friend ng GMA at pangalawa sa Mano Po 6 ng Regal. Bagsik sa acting po ang tinutukoy natin at sa halik (kissing scene).

“Nagulat po talaga ako nang limang sunud-sunod na patak ng luha ang ibinigay niya sa unang eksena namin sa Dear Friend. Hindi ko kasi kabisado ang galing niya sa pag-arte. Mahiyain po kasi siya at laging nasa isang tabi. Ni hindi po ako kinakausap, hindi rin po ako nilalapitan,” kuwento ni Heart sa blow-out niya para sa pagkakapanalo niya bilang best actress for Ay, Ayeng sa FAMAS.

[ad#post-ad-box]

The next time they met, kissing scene naman agad ang ipinagawa ni Direk Joel Lamangan. “Ako na ang nagkusang lumapit sa kanya. Kasi nga, sobrang mahiyain pa rin. Ayokong magulat uli ako, kaya, I made sure  na maging maganda ang kissing scene namin. First day ko sa Mano Po 6, siyempre, gusto ko namang malaman nila na marunong at magaling din akong umarte. I asked him to tell me kung ano ang plano niya. Bigyan niya, sabi ko, ako ng cue kung kailan niya ilalapit ang lips niya sa akin para salubungin ko. Lovers kasi kami rito at hindi puwedeng walang love scene. Hindi na po ako maarte ngayon. At ayokong masabi nilang hindi pa rin ako naggo-grow as an actress. I have no qualms na ngayon about kissing scenes, especially with a good actor like him.”

Hindi pala alam ni Heart na “crush” siya ni Dennis. Natulala nga siya nang malaman ito mula sa inyong lingkod. Hindi rin niya alam na maraming acting awards na ang natanggap ni Dennis, na sa launching movie nitong Aishite Imasu ay nag-grandslam award ito for best actor.

“Buti na lang at nanalo na rin ako ngayon kundi ay baka mapahiya ako sa kanya. But even before you told me, impressed na ako sa acting niya. Magaganda ang roles na nabibigay sa akin ngayon kaya’t inspired ako at focused. Masayang-masaya na ako dahil sa pagkakapili sa akin na maging anak ni Megastar (Sharon Cuneta) dito. Imagine, may Full House na, may Mano Po 6 pa. Tapos, may best actress pa.”

MAY MAGBABALIK SA May Bukas Pa.

Kilalang-kilala ko siya at kilalang-kilala n’yo rin. Marami ang nagtatanong kung bakit “pinatay” ang kanyang character sa No. 1 primetime show. Sa dami ng nilabasan niyang pelikula, hindi pa siya pinapatay. Sa first ever teleserye niyang It Might Be You, bigla na lang siyang nawala sa ending ng teleserye, pero hindi siya pinatay. Inilipat kasi siya sa Spirits fantaserye na dinerek ni Chito Roño. Iyon ang una niyang pagbibida. Fifteen years old pa lang siya noon.

Pero, sa May Bukas Pa, iba ang dahilan kung bakit nawala siya at pinaniwalaang namatay.

Malaking sorpresa kung gano’n ang pagbabalik niya next week. Nakapag-taping na kasi siya. So puwedeng sa taping ay lalabas na ang katotohanan.

Worried na worried nga ang kanyang handler kung kakayanin  pa niya ang MBP. Three times a week kasi siya kung mag-taping para sa Nagsimula sa Puso. Madugo ang taping dahil pumunta pa siya sa Italy para ikasal lang.

Pero, kakayanin daw niya. Workaholic kasi ang babaeng ito.

SCARE-GIVER ANG theme ng Sharon show ng megastar Sharon Cuneta sa Linggo. Pre-halloween episode ito with guests Smokey Manaloto, Empoy, Krita a.k.a Rufa Mi at Joy Viado. May “tunay na bangkay” daw silang guest, would you believe? Mayroon ding White Lady, siyempre.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

8 thoughts on “Dennis Trillo, natorpe kay Heart Evangelista – Chit Ramos

  1. Akala ko, si Jomari ang user. Si Dennis pala. Use muna para lumakas ang rating niya, tapos deny na pag tapos na ang teleserye.

    • uso pa ba ang torpe lalo na kay dennis. kasi ibig maka one-time kay heart kaya pa-demure effect. pero pagkatapos nito andyan na uli si denial king ng siyete. patangkad ka naman uminom ng kape para dapuan ka ng niyerbiyos.

  2. bubuntisin nya lang si Heart………
    after ideny na nabuntis nya si Carlene,
    after ideny na mag-on sila ni Cristine
    and ideny na naman na naging sila ni Pauleen
    may credibility pa ba itong lalaking itech?????
    sabi nga ni Carlene,lahat kay Dennis ay MALIIT!!!!!!

  3. Si Maja Salvador ito. Alam naman natin na pinatay siya kunwari dahil busy siya sa bago niyang teleserye. Di ba pagkatapos kunwari nang libing niya, ipinakita siya na naglalakad sa kalye na may sugat sa mukha at saka biglang hinimatay sa gitna nang daan. Given na ito. Buhay siya at babalik.

Leave a Reply

Your email address will not be published.