Dennis Trillo, nato-torpe kay Heart Evangelista?!- Lolit Solis

NAKORNER ANG AKTOR sa presscon ng Darna nu’ng kamakalawa lang dahil kasali na nga ito sa cast ng telefantasyang ‘yun ng GMA. Aminado naman siyang crush niya si Heart at lalo raw niya itong nakilala ngayong magkasama na sila sa Mano Po 6.

Pero nagdeklara na kasi si Heart na ayaw muna niyang ma-in love at focus muna siya sa trabaho. Naintindihan naman daw ‘yun ni Dennis kaya willing daw siyang maghintay. Kahit siya ay hindi pa rin daw handa kaya mas okay na raw siyang ganu’n muna ang turingan nila ni Heart. Lumalabas daw sila minsan pero marami raw sila, kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.

Sobrang blessed daw siya ngayon dahil marami siyang trabaho kaya gaya ni Heart, okay na raw munang single siya. Feeling daw niya kasi, minamalas ang career niya kapag may love life kaya okay na raw ang ganu;n muna.

Kung si Heart naman ang tatanungin, parang ayaw naman daw niyang maniwalang balak siyang ligawan ni Dennis dahil napakatahimik lang daw nito sa set. Hindi naman daw ito nagsasalita. Pero sa totoo lang, ‘yun din ang type ni Heart na tahimik lang gaya ni Dennis.

Ikinuwento na rin pala ni Dennis na tinawagan daw niya si Cristine Reyes para magkita sila at magkausap nang masinsinan. Tingin daw niya kasi, parang hindi pa sila nagkaroon nang maayos na closure kaya nagkausap sila at happy naman daw siya dahil magkaibigan na raw sila ngayon.

Sana ganu’n din ang sa kanila ni Pauleen Luna. Kahit sandali lang ang kanilang relasyon, nagkausap naman daw sila nang maayos bago nila napagdesisyunang maghiwalay na.

Ewan ko lang kay Pauleen, ha? Kasi ayaw na niyang pag-usapan si Dennis.

IN FAIRNESS PALA kay Dennis, maganda naman ang feedback sa kanya bilang isa sa mga host ng Starstruck 5.

Bagay naman daw sa kanya at tama namang siya ang ipinalit kay Dingdong Dantes.

Kaya lang, mukha pa ring hindi pa sanay ang aktor sa ganu’ng klase ng talent-reality show dahil halatang kinakabahan din ito habang tinatawag ang mga nakapasok sa final 14. Pero siguro, makakasanayan din nito bandang huli dahil pinag-aaralan naman niya ito nang mabuti.

Siyanga pala, pagkatapos in-announce ang final 14 ng Starstruck nu’ng nakaraang Linggo, ipinakilala na sila sa movie press nu’ng kamakalawa ng gabi at na-impress naman ang reporters sa mga bata.

Bilang isa sa council, happy na rin ako sa napili pero meron pa akong type na makapasok, pero hindi sila sinuwerte. Type ko pa naman ‘yung mga may pagkamaldito, pero wa! ‘Di sila napasali sa Final 14.

Ang labing-apat na nakapasok ay sina Steven Silva, Sef Cadayona, Piero Vergara, Ian Batherson, Enzo Pineda, Rye Burgos, Rocco Nacino, Diva Montelaba, Fianca Cruz, Sarah Labahti, Princess Snell, Rox Montealegre, Nina Kodaka at Zeryl Lim.

So far, ang pinaka-type ng mga movie press ay sina Sarah Labahti at itong si Piero Vergara. Pero marami pang mababago sa mga iyan at makikita kung sino talaga ang karapat-dapat na maging winner. Abangan n’yo na lang dahil nahihirapan na kami nina Direk Floy Quintos at Iza Calzado sa pagpili.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

6 thoughts on “Dennis Trillo, nato-torpe kay Heart Evangelista?!- Lolit Solis

  1. ano??? meron na naman starFLOP??!!!

    another FLOP stars in the making…and counting!!

    bye the way nasan na pala yung nanalo sa next superstar ekek noon hehehe!

    • Eh bobo ka naman pala?! Nagtatanong ka kung nasaan, nanonood ka ba ng palabas ng GMA7. Hindi ba hindi! Bobo bobo, sa dos ka laging nakaktutok, paano mo mapapanood ang mga nanalo sa Next Big Star?! Ungas! Inggit ka lang, dahil ang papangit ng mga nagpipilit na mag-artista via sa mga palabas ng paborito mong palpak na network (syempre ch 2 yon)

      • ikaw naman, tagasaan ka day at mukhang wala kang kilalang tv station kundi ang syete? papano kasi hindi pa inaabot ng satellite ng GMA ang ibang sulok ng pinas kaya ang kilala lang ninyo ay GMA, lol! buti pa kami, meron kaming TFC/GMA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.