Dennis Trillo, natatawa lang ‘pag pinagdududahan ang pagkalalaki

NATATAWA NA lang si Dennis Trillo nang makarating sa kanya ang balitang pinagdududahan ang kanyang pagkalalaki dahil sa pagganap niya bilang beki sa seryeng My Husband’s Lover ng GMA-7. Very convincing naman kasi ang outstanding performance na ipinamalas niya rito. Wala raw siyang dapat patunayan sa publiko. Bagkus, nagpapasalamat pa nga ang actor dahil very effective ang role niya as Eric na pino-portray niya.

Tunay ngang tinatangkilik ng publiko ang bekiserye nina Dennis, Tom Rodriguez at Carla Abellana. Wala kang itulak kabigan sa galing at husay nilang umarte kaya’t hanggang ngayon, patuloy ang pagiging number one primetime show ng bansa ang serye.

Habang tumatagal sa ere ang MHL, lalong nakaka-thrill at nakaka-excite panoorin. Nagkasanga-sanga na ang takbo ng istorya na malaki ang naitulong sa serye. May mga bagong character na pumasok  para lalong kapana-panabik ang bawat eksena. Ang mag-amang Roy Alvarez at ang anak nitong beki na ginagampanan ni Kempee de Leon. Hindi na bago para sa actor ang gumanap na bakla. Very dramatic ang eksena nito sa wedding anniversary party nina Kuh Ledesma at Roi Vonzon.

BB Gandanghari yata ang peg ni Kempee na nakasuot pambabae nang dumating ito. In fairness, maganda ang make-up. Pero ang wig at ang gown, ang cheap! Hiniram yata ‘yun kay Michael V. Anyway, nang malaman ni Roi na pamangkin pala niya baklang si Kempee, pinahiya sa harap ng mga bisita, kinaladkad palabas at binugbog sa harap nina Vincent at Lally.

Tuloy, nai-imagine ni Lally ang asawang si Vincent ang ginugulpe ng ama nitong si Roi. Ganu’n din si Vincent, feeling niya kung malalaman ng tatay niyang bakla siya, masahol pa ru’n ang aabutin niyang gulpe sa ama. Painit nang painit ang bawat yugto ng MHL.

Speaking of Dennis, alam nating numero unong babaero at matulis si Dennis. Wala yata babae tatangging maikama sila ng magaling na actor. Bawat chick na matipuhan nito ay napapasakamay niya. Hindi na mabilang ang mga babaeng nakarelasyon ng binatang ama. Ang latest nga, nakapagbalikan uli si Cristine Reyes sa dati niyang dyowang si Dennis. Kahit hindi aminin ng dalawa, marami ang nagpapatotoong sila na ulit.

Kung tatanungin si Dennis about Cristine or sa ibang babaeng nakarelasyon niya, wala kang makukuhang diretsong sagot. Puro paiwas ang nagiging tugon nito sa bawat katanungang gusto mong makuha tungkol sa kanyang love life. Ayaw kasi niyang pinag-uusapan ang personal nitong buhay lalo na sa mga past relationship.

Kapansin-pansin din ang acting performance ng kaibigan ni Eric na beki (wis namin knows ang name). Magaling na actor, deserving bigyan siya ng magandang exposure. Aliw kami sa mga kabaklaang eksena nila ni Dexter Doria. Totoong-totoo sa tunay na buhay. Tunay palang lalaki itong bestfriend ni Eric, walang bahid na kabaklaan if you know the person, tsika sa amin. Matagal na pala siyang artista ng Kapuso network. Pero sa nasabing bekiserye lang siya tumatak sa amin isipan.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

10 thoughts on “Dennis Trillo, natatawa lang ‘pag pinagdududahan ang pagkalalaki

  1. i really appreciate the efforts of the actors and actresses of the teleserye.grabe talaga…yon naman talaga ang totoong nangyari sa society eh.de bah.?.you know what, the teleserye is not just showing the negative impact to the gays but what they are trying to imply is that the true happenings in our society…..

  2. Mga BOBO lang ang naniniwala na mataas rating ng show ni Juday…. Ang ABS CBN mukhang pera yan.. pag di ka nakakatulong para kumita TSUGI ka.. ganyan ang nangyari sa show ni Juday… Eh tapatan nyo ba naman ang MY Husband’s Lover eh napakalakas nyan. Ano kayo ngayon di Tae…. wag kasing masyadong ambisyoso… dapat NBA games tinapat nyo para magkaiba ng audience ciguro kahit papano maka kalahati man lang sa rating ng SUPER Hit na MY HUSBAND”S LOVER….. esep esep pag may esep!!!

  3. naku lalaking lalaki yang si dennis di ba nga daming babae pero alam ko na pumapatol din yan sa beki hahahaha! kahit maliit na lalaki malaki raw ng kargada niyan at magaling ang performance haahahahaha!

  4. NAKOH, PARANG MUKHANG CHAKA NAMAN SI KEMPEE DE LEON IN DRAG. SANA EH SI PAOLO BALLESTEROS NA LANG ANG PINILI NILA SA ROLE. MUKHANG MAS MAY DATING PA. HALATANG LALAKI SI KEMPEE KAYA DI CREDIBLE ANG DATING NG PAG-ARTE NYA. AT YUNG PAMBUBUGBOG NI ROI VINZON HA. NAKOH, MERON BANG GANYAN NA MANONOOD NA LANG ANG LAHAT SA CRIMINAL ACT NA GANYAN? SI MISS KUH EH NAGTAKIP NA LANG NG TENGA. AT ITO NAMANG SINA VINCENT AT LALLY EH NANOOD LANG, PATI ANG MGA IBANG TAO? IN REAL LIFE, ANG NORMAL REACTION IS AAWATIN MO TALAGA QUESEHODANG MASAKTAN KA, MASAPAK O MATULAK. WALA NAMANG BARIL NA NAKATUTOK SA KANILA. KAHIT PA EX-MILITARY ANG NAMBUBUGBOG. WE UNDERSTAND THE MESSAGE OF THE SCENE AND THE TELESERYE IN GENERAL, NA MABABA ANG TINGIN NG LAHAT SA MGA BEKI AT MADALAS SILANG NAKAKARANAS NG INJUSTICE, PERO SANA LANG, MAGING REALISTIC DIN. WELL, OVERALL, IT IS STILL A TELESERYE WORTH YOUR PRECIOUS TIME DAHIL FIRST-OF-ITS-KIND ITECH AT MAGAGALING ANG MGA ARTISTA. DEVAH?

    • YES.. I AGREE WITH U..parang pinapalabas talaga s seryeng yan na SALOT ang mga BAKLA..dahil kung bkit ba hindi cla matanggap sa lipunan.. Why do they need na ipakita s serye na kailangang bugbugin ang isang bakla (which is TAO din naman cla)..nakakasama lng ng loob!

  5. Pingback: Dennis Trillo, natatawa lang ‘pag pinagdududahan ang pagkalalaki | CelebrityPhilippines.com

  6. ang bobits naman ng gumagawa ng isyung yan! patay na patay nga yan kay cristine reyes eh

    balitang balita na araw-araw nagkakangkangan yang dalawa sa condo nung babae

Leave a Reply

Your email address will not be published.