Dennis Trillo, nahanap na ang kanyang ‘One Great Love’ sa buhay

Dennis Trillo

HINDI maiiwasan na kapag nakakaharap mo ang aktor na si Dennis Trillo, wala ka itatanong sa kanya kundi ang estado ng “kasalan” nila ng girlfriend niya na si Jennylyn Mercado.

Lagi-laging ito ang itinatanong sa aktor ng action-drama serye na Cain at Abel na humarap recently sa grand media conference ng Regal Entertainment’s MMFF 2018 official entry na One Great Love.

Say ng aktor about his girlfriend ang “One Great Love:” “Gusto ko isipin siya ang one great love ko. Siyempre, masaya kami ngayon kaya siguro walang dahilan para hindi ka mag-isip ng mga ganung bagay. Naniniwala ako na hanggang ngayon meron talagang one great love and totoo yun.

“Para sa akin, kailangan mo i-categorize kasi yung pagmamahal iba-ibang level yan eh. Pag naramdaman mo na yun na yung one great love mo, yun na yun eh wala ng atrasan yun. Gusto ko isipin na nahanap ko na siya kasi okay naman ako, masaya ako ngayon and yun yung nararamdaman ko so nag-isip lang ako ng positive and idealist thinking,” kuwento ng aktor about Jennylyn.

Kahit matagal na sa showbiz si Dennis, less talk pa rin siya. Hindi masyado makuwento lalo na tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

Maging si Kim Chiu na leading lady niya sa movie, yun ang obserbasyon sa aktor nang magkasama sila sa shooting.

Dennis Trillo, Kim Chiu and JC de Vera

“Tahimik lang talaga ako. Siguro kaya ganun dahil ang energy ko prini-preserve ko. Hindi ko siya sinasayang sa mga hindi kailangan gawin kaya pagka-nandiyan na yung eksena marami akong baon na baterya,” paliwanag ni Dennis.

Ang pelikula na sinulat ni Gina Marissa Tagasa ay dinirek ni Enrico Quizon na mas kilala sa pangalang Eric Quizon na ang tawag namin ay EQ.

Sa presscon, naitanong din kung kailan magaganap ang kasalan nila ni Jennylyn lalo pa’t tila tuloy na at wala nang hiwalayan sa relasyon ng dalawa. May maikling sagot ang aktor: “Darating din tayo dyan. I want it to be very special.”

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

4 thoughts on “Dennis Trillo, nahanap na ang kanyang ‘One Great Love’ sa buhay

  1. Bagay sila ni Kim Chiu kaso pareho sila me partners na…but you’ll never know. Nothing is written in stone. Kim and Dennis for one great love is a great idea.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.