Dennis Trillo, nagpasaklolo kay Pauleen Luna – Lolit Solis

NALOKA NAMAN AKO du’n sa nangyari kina Dennis Trillo sa Boracay. Nasawi nga raw itong kaibigan niyang handler ng singer na si Gian Magdangal.

Kaya ako minsan, umiiwas ako sa raket sa mga alaga ko na out-of- town dahil mahirap talaga kapag nagkaroon ng ganu’ng aksidente, hindi mo alam kung pananagutan ba ito ng producer na kumuha sa inyo o hindi.

Pero mabuti na lang at marami naman ang tumulong kina Dennis na talagang na-trauma nang husto sa nangyari.

Isa raw sa tinawagan ni Dennis para hingan ng tulong ay si Pauleen Luna dahil may pinsan siya roon sa Boracay na puwedeng tumulong sa kanila.

Hindi ko na alam kung naayos iyun ng pinsan niya.

Nandu’n din si Mr. Boy So ng La Carmela de Boracay na willing tumulong kina Dennis, pero hindi rin daw sila pinabayaan ng Discovery Shores na nag-asikaso ng bangkay ng kaibigan ni Dennis hanggang sa nakabalik ito ng Maynila kahapon.

Ang pagkakaalam ko nakabalik na rin si Dennis sa Maynila kahapon at nakunan ito ng pahayag ng Startalk.

Siguro naman hindi ito pababayaan ni Dennis pati ang pamilyang naiwan nitong kaibigan niya. Abangan n’yo na lang sa Sabado ang kabuuan ng kuwentong iyan.

ANG ISA SA ginulo ng mga reporters nu’ng nangyari ang aksidenteng iyun ay si Pauleen Luna.

Wala namang masabi ang alaga ko dahil hindi nga niya alam na pumunta pala ng Boracay si Dennis.

Ang pagkakaalam ko, hindi na sila madalas na nagkikita ni Dennis dahil tapos na ang taping ng Adik sa ‘Yo na magtatapos na mamayang gabi.

Hindi na rin yata sila nagtatawagan dahil nitong huli lang, nagpalit na ng phone number si Pauleen.

Hindi ko naman tinatanong kung ano na ba ang status ng relasyon nilang dalawa, kung meron mang relasyon, ha!

Basta, abala ngayon si Pauleen sa bagong telebabad sa GMA, ang Now That I Have You na kung saan kasama naman nito sina Jennylyn Mercado at Mark Herras.

Sinabi raw nito sa isang kaibigan na mas okay kung walang lovelife na nakakasagabal sa magandang takbo ng career niya.

May cast party ang Adik sa ‘Yo mamayang gabi, tingnan na lang natin kung okay ang dalawa.

ABANGAN N’YO PALA ang Power of  10 ni Janno Gibbs sa Linggo dahil nakakaaliw ang tapatan ng mga Survivor graduates na sina Patani at Kiko Rustia. Hindi lang sila nagpautakan at nagpagalingan sa elimination round kundi nagkatuksuhan din dahil nagkaroon pala ng kuning-kuning na fling ang dalawa nu’ng nasa Survivor sila.

Sa pangalawang set naman ay ang walang tulugang asaran nina Kuya Germs at Shalala.

Nakakaaliw ang labanan-tapatan nilang dalawa na natapos sa kantiyawan at asaran.

Abangan ‘nyo ‘yan sa Linggo pagkatapos ng Kap’s Amazing Stories.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

One thought on “Dennis Trillo, nagpasaklolo kay Pauleen Luna – Lolit Solis

Leave a Reply

Your email address will not be published.