Dennis Trillo, nag-mature na raw kaya chill lang sa relasyon nila ni Jennylyn Mercado

Dennis Trillo, nag-mature na raw kaya chill lang sa relasyon nila ni Jennylyn MercadoMayroon na palang plano for the Holy Week sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, pero wala pang masyadong detalye na p’wedeng i-share ang aktor who recently won as Best Actor (tie sila ni Piolo Pacual) sa nakaraang Star Awards for Movies para sa pelikulang “Felix Manalo”.

Kung noon ay tila aso’t pusa sila ni Jennylyn Mercado sa unang bahagi ng relasyon nila, this time, sa muli nilang pagbabalikan (pero ayaw bigyan ng label nina Den at Jen ang current “friendship” nilang dalawa after na maging close ulit sila at nagde-date regularly), cool na cool pa rin sila at ini-enjoy kung ano man meron sila ngayon.

Lately, mula nang maging super close muli ang dalawa, wala kaming naririnig na tsika na may away or kaguluhan sa pagsasama nina Den at Jen. Kumbaga, chill lang ang “relasyon” nila ngayon.

Sabi nga ng aktor, “Siguro pareho na kaming matanda na, matured na. Siguro ‘yung maturity, ‘yun talaga ‘yung importante. ‘Pag mature ka na, marami ka nang mari-realize na dapat i-correct sa mga ugali, sa mga nangyari sa buhay mo.”

Basta panigurado ni Dennis Trillo tungkol sa kanilang dalawa ni Jennylyn, “Basta masaya lang kami and ‘yun naman ‘yung importante, ‘di ba?”

Sa mga fans ni Dennis, malapit na siyang mapapanood sa primetime sa GMA Network with his new romcom with Heart Evangelista na “Juan Happy Love Story”, kung saan kasama nila si Ms. Gloria Romero.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.