Tanda Ba News?: Dennis Trillo: Makulay ang showbiz at lovelife!

KILALA N’YO BA si Abelardo Dennis Florencio Ho? ‘Yan ang full name ni Dennis Trillo, ang isa sa pinaka-popular at very in-demand na aktor natin sa kasalukuyan, at prized talent ng GMA TV network. Pero bago naging Kapuso star si Dennis, year 2001, naging member muna siya ng Batch 10 ng Star Circle ng ABS-CBN. Una siyang nabigyan ng break sa soap opera na Pangako Sa ‘Yo at Sa Dulo ng Walang Hanggan, pero hindi masyadong napansin si Dennis. Kaya naging malaking turning point sa career niya ang paglipat sa GMA-7.

Nabigyan ng magandang exposure si Dennis sa TV shows na Kahit Kailan (2001), Click (2002), at Twin Hearts (2003). Pero sa fantasy series na Mulawin (2004) pumaimbulog na nang husto ang kasikatan ng aktor. Nagsimula at nagtapos ang TV series na isang top-rating program ng Siyete, kaya naman nang sumunod na taon, muling naisama si Dennis sa Darna. Muli itong tinangkilik ng mga manonood.

Year 2005, nabigyang muli ng mahalagang papel ang aktor sa Etheria: Ang Ikalimang Kaharian ng Encantadia. Sa sunud-sunod na top-rating TV shows, napatunayan ni Dennis ang lakas ng hatak niya sa mga manonood, kaya hindi siya nawala sa mga TV series na Majika (2006), Super Twins (2007), Zaido (2007) at ng katatapos lang na Gagambino.

Kung maganda na ang credentials ni Dennis sa showbiz, impressive din naman ang educational background ng aktor. Graduate siya ng Bachelor of Arts in International Studies sa Miriam College. Hindi rin masasabing bread and butter ni Dennis ang showbiz dahil galing siya sa isang mayamang angkan.

Sa pelikulang Aishite Imasu: 1941 (2004), isinelyado ni Dennis ang pagiging mahusay na aktor. Sa critically-acclaimed na pelikula humakot ng awards ang aktor: Best Supporting Actor mula sa 30th Metro Manila Film Festival, Best Actor mula sa Film Academy of the Philippines, Star Awards for Movies at Young Critics Circle.

Kung makulay at maingay ang limelight kay Dennis, ganoon din ang kanyang personal life. Inintriga pati ang ‘sekswalidad’ ng aktor. Pero nabura ‘yon nang magkaroon siya ng anak sa ex-beauty queen na si Carlene Aguilar. Naging maugong din ang on and off relationship niya kay Cristine Reyes. At sa kasalukuyan, balitang-balita ang panliligaw niya kay Pauleen Luna.

Kung wala sa harap ng kamera, rock music naman ang pinagkakaabalahan ni Dennis. Naging miyembro siya ng grupong Moyg noon. Noong 2006, nagkaroon pa ang aktor ng self-titled album.

Regular na napapanood ngayon si Dennis sa SOP at Bubble Gang.

Click to enlarge.

Related Post

loading...

One thought on “Tanda Ba News?: Dennis Trillo: Makulay ang showbiz at lovelife!

Leave a Reply

Your email address will not be published.