Dennis Trillo, mahilig magpalusot?!

SIGURO, DAPAT NA lang tanggapin na si Dennis Trillo ang klase ng lalaki from showbiz na lagi na’y tikom ang bibig pagdating sa kanyang personal life. Wala naman sigurong masamang intensiyon ang aktor, pero mula sa pagde-deny niya noong una sa situwasyon ni Carlene Aguilar na naanakan niya, hanggang kay Cristine Reyes na kailan lang, lumabas ang chikang talagang wala na sila, hindi basta umamin si Dennis hangga’t may ilulusot siya.
Ang katuwiran ng aktor, hindi naman yata uso na lahat ng detalye sa lovelife ng isang artista ay dapat ipaalam sa publiko. Sadyang ganoon lang siguro ang style ni Dennis, pero mahirap husgahan na hindi niya itinutuwid kung anuman ang pagkakamali niya. Gaya na lang sa situwasyon nila ni Carlene, na ang anak nilang si Calix ay kinikilala naman niya at sinusuportahan.
Kailan nga lang lumitaw na wala na talaga sila ni Cristine, pero ipinagtapat ni Dennis na matagal nang tapos ang kanilang relasyon. Hindi man siya umamin dito, ipinaalam na lang niya na tapos na nga ang kung anumang malalim na namagitan sa kanila ng aktres.
Nagawang hindi basta magsalita ni Dennis tungkol sa knila ni Cristine dahil off and on ang kanilang relasyon noon. Kapag ganoon ang situwasyon, dapat din lang na maintindihan na may relasyon silang pinoprotektahan at hindi makatutulong ang pagiging masyadong open tungkol dito.
Kaya nang finally ay matapos na ito, roon lang lumabas ang totoo. Gusto rin lang kasi ni Dennis na mag-concentrate sa kanyang career pagkatapos na masangkot siya sa kung anu-anong kontrobersiya. It’s a good thing, may significant film project siya para sa Cinemalaya V, ang Astig, dinirek ni GB Sampedro para sa kumpanya nina Boy Abunda at Boy So.
Hindi na masyadong iniinda ng publiko ang ganitong mga chika kay Dennis dahil nakalagpas na siya sa level ng pagiging isang matinee idol lang. Mula naman sa umpisa, kinilala na si Dennis bilang aktor, kaya nagwu-work naman ito sa kanyang advantage.

MATAGAL NANG MAGKAIBIGAN sina Boy Abunda at Arnold Reyes. Matagal na rin silang natsitsismis, pero natatawa na lang kami dahil parang ngayon napapalaki ang anggulo sa kanila. Damay pa rito ang karelasyon ni Kuya Boy na si Bong Quintana, pero ipinagkikibit-balikat lang ito ng mga nasasangkot.
Alam namin mismo kung gaano ka-close sina Kuya Boy at Arnold. Ngayon namin nararamdaman na unti-unting umeepek na sa press at publiko si Arnold, lalo na’t nabibigyan na siya ng matitinding roles sa indie films, at malaking break na naman para sa kanya ang Astig. Hindi na siya underrated actor lang, ‘yung tipong alam ng marami na maaasahan at mahusay, pero unti-unti nang nararamdaman ang presence niya sa showbiz.
Magkakatrabaho pa sina Kuya Boy, Bong at Arnold. Kasama si Arnold sa production staff ng Astig, at nasabi nga ni Kuya Boy, ito ang dahilan kung bakit pinamili rin siya ng mahalagang papel sa proyekto. Si Bong ay Vice-President ng Backroom, Inc., ang talent and publicity agency na pinamamahalaan ni Kuya Boy.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

2 thoughts on “Dennis Trillo, mahilig magpalusot?!

  1. Dennis ang galing mo sa Adik Sayo. Bagay kayo ni Pauleen kesa kay jennica. Please wag ka na kay cristine and wag na magdeny. best Actor ka talaga. more projects sana sayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.