Dennis Trillo, inabsuwelto si Pauleen Luna sa sulutan issue – Gorgy’s Park

AS OF PRESSTIME, hinahabol pa namin si Jolo Revilla para makuhanan ng sagot tungkol sa kumakalat na isyung break na raw sila ni Lovi Poe.

Mahirap nga namang sagutin iyan dahil una, hindi pa naman talaga sila umamin na sila na.

Pawang close lang sa isa’t-isa ang mga sagot nila pero hindi naman nila itinatanggi na espesyal ang pagtitinginan nilang dalawa.

Pero ngayon parang iba na ang mga pahayag ni Lovi dahil mas priority na raw nito ngayon ang kanyang trabaho at pag-aaral.

Sabi nga ni Lovi nang nakapanayam ng Startalk sa taping ng Show Me Da Manny “We’re setting our priorities straight. Jolo is working hard also, I’m doing the same thing, nag-aaral din siya, nag-aaral din ako.

“Siguro hindi mawawala ‘yung pagkakaibigan kasi parehas lang kami ng group of friends, so hindi mawawala yung communication. But then ngayon, I know my priorities better now than before. Bata pa ako, ayokong magmadali.”

Nang makausap namin si Jolo, ayaw muna niyang magbigay ng pahayag at mabuting hayaan na lang daw si Lovi.

Paalis ito patungong Davao kaya abala din siya at totoo ngang bihira na lang daw sila ngayong nagkikita o kahit nag-uusap.

Hanggang du’n lang muna ang puwede nilang mai-share para hindi na maging kumplikado ang kung ano mang merong relasyon sila.

Close pa rin naman daw si Lovi sa pamilya ni Jolo, pero marami ang nakapansin na wala ito sa birthday ng kapatid ni Jolo na si Gianna nu’ng nakaraang Sabado.

May trabaho raw nu’ng araw na iyun si Lovi kaya hindi siya nakarating. Pero halos lahat na mga selebrasyon ng pamilya Revilla ay nandu’n si Lovi, kaya marami tuloy ang nagduda bakit wala ito nu’ng nakaraang Sabado.

IPINAKILALA NA PALA ni Dennis Trillo si Pauleen Luna sa Mommy niya na katatapos lang magpa-opera sa puso.

Okay naman daw si Pauleen sa pamilya niya pero wala pa rin itong inaamin kung ano talaga ang tunay na relasyon nilang dalawa.

Sa presscon ng Tarot, sagot lang ni Dennis sa mga pangungulit sa kanya, “Close kami. Nagdi-date kami, madalas kaming magkita, bukod sa taping nagkikita din kami sa labas paminsan-minsan.

“Basta masaya kami ngayon at okay na muna iyun.”

Nilinaw naman ng aktor na hindi si Pauleen ang dahilan kung bakit nag-break sila ni Cristine Reyes.

Sobrang tagal na raw iyung kay Cristine at recent lang daw ang sa kanila ni Pauleen.

Napabalita naman ngayong nali-link si Cristine sa basketbolistang si Wesley Gonzales kaya kinunan din ng reaksyon dito si Dennis.

“Wala naman akong problema du’n, kasi wala na naman kami. So, kung ano man ang gusto niyang mangyari wala na akong control du’n.

“Sa ngayon, hindi ko na iniisip ‘yun kasi gusto ko munang ipahinga ‘yung phase na ‘yun at ayoko nang balikan uli kasi sa ganda ng nangyayari sa akin, ayokong maapektuhan kasi masaya ako kung anong meron ako ngayon. Kuntento ako saka past is past, ika nga,” yun ang nakakapagod na pahayag ni Dennis na bida sa Tarot with Marian Rivera at bagong endorser din ng Joel Cruz Signatures.

By Gorgy’s Park

loading...

7 thoughts on “Dennis Trillo, inabsuwelto si Pauleen Luna sa sulutan issue – Gorgy’s Park

  1. Maganda siya. Ipaayos lang niya ang two front teeth, mas lalong gaganda. Marami naman sigurong cosmetic dentist sa Pinas.

  2. danda ni pauline and lakas appeal ni dennis
    bagay cla…pero sana dis time tlgang to2hnan na….hayyyyyyyy buhay!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.