Dennis Trillo, ‘ibinasura’ si Bianca King?!

NATUTO NA talaga si Dennis Trillo sa mga pinagdaanan niyang pakikipagrelasyon. Napakatahimik ng naging paghihiwalay nila ni Bianca King, dahil natapos iyon na hindi sila nagbubuweltahan ng kung anu-anong salita laban sa isa’t isa.  Malaking tulong nga siguro na naging magkaibigan muna sila sa ilang ulit nilang pagsasama sa teleserye, kaya nagkahiwalay man silang dalawa ay pareho lang silang matahimik ngayon.

Kahit naman kasi prangkang aktres si Bianca, seryoso naman siyang masyado sa buhay nitong mga huling buwan, dahil mayroon siyang mga iniintinding problema tungkol sa kanyang mga mahal sa buhay na nasa ibang bansa. Pero ang pinakawalang salita at pagbibiro ng tisay na aktres ay siya naman daw ang laging iniiwan ng kanyang mga nakakarelasyon. Ibig ba niyang sabihin na si Dennis ang nang-iwan na dahilan ng kanilang hiwalayan?

Kung nagkaroon man si Bianca ng mga problema nitong huli, kaya hirap siyang isabay ang pakikipagrelasyon, ganu’n din naman si Dennis. Wala na kasing halos pahinga ang actor, dahil pagkatapos ng teleseryeng Temptation Of Wife ng GMA-7, isinunod na niyang gawin ang My Husband’s Lover kaya hirap din si Dennis isabay ang magkaroon ng karelasyon.  Sobrang mahal ngayon ni Dennis ang kanyang trabaho.

ILANG PAGKAKATAON na rin ang ibinigay ng GMA-7 kay Dion Ignacio para magpakitang-gilas ang kanyang kasikatan kung saan siya makararating bilang actor. Pero hanggang ngayon, malabnaw pa rin ang kanyang kasikatan. Hindi talaga niya makuha at mabuo ang kanyang pangarap na kasikatan, kahit nga kung tutuusin ay nagtatagal na siya sa showbiz, dahil kasabay pa niyang mag-artista sina Mark Herras, Jennylyn Mercado at Katrina Halili.

Kasama na naman ngayon si Dion bilang isa sa mga bida ng teleseryeng Maghihintay Pa Rin ng Siyete. Maganda na naman ang kanyang role sa nasabing project at kung sa hitsura naman, actor na actor ngayon ang kanyang dating. Kung nagwi-wish siya, na sana nga ay makuha na niya ang pagtitiwala ng showbiz na matagal na niyang inaasam, iyon din naman ang ipinagdarasal ng kanyang mga kaibigan, dahil mapakisama naman siyang tao.

May mga umaagaw na sa dating kasikatan ni Mark Herras. Kasi, nabigyan na rin siya ng maraming pagkakataon sa showbiz. Si Dion, kulang pa rin ang direksiyon ng kasikatan. Maghihintay pa rin ang drama ng kanyang pakikipagsapalaran sa showbiz. Iilan lang ang mahuhusay na actor sa bakuran ng Kapuso network, kumpara sa ABS-CBN na tahanan ng mahuhusay na aktor. Maraming gustong patunayan si Dion, na dapat lang din ay mapansin ng Siyete.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

7 thoughts on “Dennis Trillo, ‘ibinasura’ si Bianca King?!

  1. Ay Dennis sana ibinigay mo na lang si Bianca sa kin.. pag hindi mamahalin ako ng gusto nyan.Kasi pati tumbong nya he he he he kakainin ko.

  2. BAT BA ITONG SI DENNIS, PURO DI MAGANDA ANG COMMENTS NG MGA EX’S? HINDI KAYA IMPLUWENSYA ITECH NI POPOY CARITATIVO?

Leave a Reply

Your email address will not be published.