Dennis Trillo & Glaiza de Castro: Love You Like a Love Song!

DENNIS TRILLO

Real Name: Abelardo Dennis Florencio T. Ho

Birthdate: May 12, 1981

Zodiac Sign: Taurus

Symbol: The Bull

Ruling Planet: Venus

Quality: Fixed

Element: Earth

Basic Trait: I Have

Lucky Day: Friday

 

GLAIZA DE CASTRO

Real Name: Glaiza Galura de Castro

Birth Date: January 21, 1988

Zodiac Sign: Aquarius

Zodiac Sign: Aquarius

Symbol: The Water Bearer

Ruling Planet: Uranus

Quality: Fixed

Element: Air

Basic Trait: I Know

Closest Metal: Aluminum and Uranium

Lucky Day: Saturday

 

SINA DENNIS Trillo at Glaiza de Castro ang dalawa sa pinaka-versatile na artista sa bakuran ng Siyete. Keri nilang kumanta, sumayaw at talagang nilalampaso nila ang mga kapwa nila taartits pagdating sa aktingan.

Kinakikiligan ngayon ang ‘friends to lo-vers’ angle nina Andrei at Mik-Mik sa Biritera. Sino ba naman ang hindi makaka-relate sa super kakilig love story nila? Hindi ba’t halos lahat naman talaga ng babae ay naiinlab sa mga taong kinu-kuya nila? Kuya, in love na ako sa ‘yo! May tama ako!

Kahit wala talaga silang relasyon sa totoong buhay (Hello kina Bianca King at Felix Roco! Hihihi), may spark ang Dennis-Glaiza loveteam. Mauwi kaya sa tunay na paglalabing-labing ang tugtog ng kanilang awitin?

Simple at praktikal ang Taurus. Down-to-earth, conventional at sensible ito pagdating sa buhay. Ang Aquarius naman ay kabaliktaran nito. Wala itong kiyeme pagdating sa social norms at mas agresibo ito lalo na kung meron siyang gustong makamtan. Ang Toro ay hindi masyadong sang-ayon sa pagbabago, samantalang para sa Aquarius ay kailangan ito para mapabuti ang buhay. Kahit hindi talaga ito malaking isyu pagdating sa relasyon, maaari pa rin itong pag-ugatan ng problema.

Ang pagiging stubborn ng Taurus at ang rigidity trait ng Aquarius ay maaaring pagmulan ng away. May tsansa rin na baka hindi makasakay si Taurus sa pabago-bagong isip ni Aquarius. Pareho silang kapag naka-focus sa iisang bagay, wala na silang ibang iintindihin. Maaaring ma-sacrifice ang kanilang sana’y masayang romansahan. Ang isa ay may pagka-possessive at ang isa naman ay madaling magsawa. Kung malampasan nila ang mga pagkakaibang ito, isa na itong major major accomplishment!

Sige, honest tayo rito: Hindi masyadong compatible ang Taurus at Aquarius. Maaaring sa umpisa ay feeling nila, marami silang similarities. Sina Dennis at Glaiza ay parehong mahilig sa rock music. Kaso habang tumatagal, lalong lalabas ang tunay nilang mga ugali at mithiin. Pareho silang competitive, pero sa magkaibang pamamaraan. May chance pa naman ito. ‘Ika nga, ikumpara na lang natin sa rock music. Minsan maingay,

minsan naman ay mellow. Minsan ay masokista, pero may mga moments na sweet din ito. Woot!

Ayun na po, mga Kapuso! Keep on watching Biritera!

 

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

One thought on “Dennis Trillo & Glaiza de Castro: Love You Like a Love Song!

  1. Pingback: Dennis Trillo & Glaiza de Castro: Love You Like a Love Song! | Celebrity Philippines

Leave a Reply

Your email address will not be published.