Dennis Trillo, easily moved on with break-up with Jennylyn Mercado

KAPAG TINATANONG SI Jennylyn Mercado kung ready na ba siya ulit makipagrelasyon pagkatapos ng kontrobersiyal nilang paghihiwalay ni Dennis Trillo, ipinagdidiinan naman niya na sa ngayon ay hindi pa talaga siya ready na pumasok ulit sa isang relasyon. Kaya tama lang ang hindi pagsasalita ni Luis Manzano tungkol sa napapabalitang diumano’y ugnayan nila ngayon ng ex-girlfriend ni Dennis. Namataan daw kasing nagde-date sina Mercado at Manzano.

Magkasalungat kasi ang mga nangyayari kina Jennylyn at Luis kung mayroong mga nagpu-push na lumaki ang isyu tungkol sa kanilang dalawa. Obviously, malaki ang naging epekto ng paghihiwalay nina Jen at Dennis, dahil hindi naggu-glow ang kanyang hitsura at halata sa mukha ang lungkot, kahit gusto na talaga niyang maka-limot. Mukhang nagpapahinga muna ang puso niya. Samantala, si Luis naman ay bumubuwelo pa sa na-ging hiwalayan nila ni Angel Locsin, dahil hindi nga nauwi sa balikan ang pagsisikap niya na mapaamo ang magandang aktres.

Parang si Dennis ang mas naunang nakalimot tungkol sa nangyaring hiwalayan nila ni Jennylyn, dahil sobrang maaliwalas na ang hitsura ngayon ng magaling na actor. Hindi nga natuloy ang intriga noon na diumano’y mayroong pasasabugin ang kampo ni Mercado tungkol sa tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay, kaya tama lang ang naging pahayag ng actor, na sa tingin niya ay wala naman talagang pasasabugin. Puro trabaho ulit siya ngayon at mukhang mas masaya, kaya kinakantiyawan siya, na parang ang bilis naman niya kinalimutan si Jen.

LAGING NALALAGAY SA alanganin na madehado ang isang contestant na ang talent ay mag-magic kapag sumali sa Pilipinas Got Ta-lent ng ABS-CBN, katulad na lamang ng nangyari kay Alakim na sumali sa first season ng nasabing programa. Tinalo siya ni Jovit Baldivino, pero napakarami ng nagsimpatiya noon sa madyikero, na dapat ay siya ang nanalo. Sa bagong season naman ng PGT, may sumali ulit na magician na si Mang Rico, ang ga-ling niya, at talagang napapasigaw ang isa sa mga judges na si Kris Aquino sa kahusayan na kanyang ipinakikita, dahil kamangha-manghang talaga. Pero nadehado rin si Mang Rico.

Parang naaartehan ako kay Kris nu’ng bigla siyang tumayo at nagsisigaw sa pagma-magic ni Mang Rico. Hindi naman ako sobrang bilib sa mga nagma-magic, dahil alam kong mayroon talagang teknik para magawa ‘yan. Pero nang mapanood ko ‘yung mga ginawa ni Mang Rico ay napapahanga rin ako, kaya isa siya sa naging paborito kong sumali sa PGT.

Ang pagsigaw-sigaw ni Kris sa talent ni Mang Rico ay muntik ko na ring naramdaman nitong nakaraang Thursday. Galing akong ABS sa presscon ng “In The Name Of Love” at pag-uwi ko sakay ng bus, pagdating sa Turbina sa Calamba, nag-stopover ang aming sinasakyan sa bus station ng Jac Liner. Sa waiting area ng mga pasahero ay may isang guwapong bagets na mga 18 anyos ang kinatutuwaan ng mga tao. Mula sa bintana ng bus ay natanaw ko na ang bagets ay nagma-magic. Pinalilipad niya ang mga baraha na parang mga paru-paro. Pinaaangat din niya sa hangin ang kanyang singsing at ang dala niyang coins. First time kong nakakita ng ganu’n, kaya napanganga na lang ako sa paghanga at pagkabigla.  Wala akong hilig mangumbinsi ng mga guwapo para mag-showbiz, pero sa galing ng bagets na ‘yon, sana’y sumali siya sa next season ng PGT, dahil ang galing-galing niya.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

One thought on “Dennis Trillo, easily moved on with break-up with Jennylyn Mercado

Leave a Reply

Your email address will not be published.