Dennis Trillo, ‘di makalimutan ng mga ex?!

Dennis-TrilloSA PRESSCON ng kanyang pelikula, hindi maiwasang matanong si Dennis Trillo ng press people hinggil sa pagkakadawit ng pangalan niya sa hiwalayan nina Cristine Reyes at Derek Ramsay at maging nina Jennylyn Mercado at Luis Manzano.

“Ang masasabi ko lang… kailangan ba talaga akong madawit sa hiwalayan ng mga ex?” reaksiyon niya. “‘Di ba? Bakit ako, ‘di ba?

“Pero ang totoo niyan… hindi ko na lang pinapansin. Dahil wala naman talaga akong kinalaman diyan. At sana, kung anuman ‘yong problema nila, huwag na nila akong idamay. Dahil matahimik ako. Masaya na ako. Masaya ako ngayon sa nangyayari sa career ko.”

Parang siya ‘yong tipo ng ex-boyfriend na mahirap makalimutan ng kanyang mga nakarelasyon? Dahil hanggang ngayon, nali-link pa rin nga siya sa mga dating naging girlfriend niyang sina Cristine Reyes at Jennylyn Mercado ngayong break na ang mga ito sa mga nakarelasyong sina Derek Ramsay at Luis Manzano.

“Baka!” natawang biro aniya.

So kapag nag-break din ang ex-girlfriend niyang si Bianca King at bagong karelasyon nito ngayon, siya pa rin ang ituring dahilan?

Dennis-Trillo“Huwag naman!” tawa niya. “Kawawa naman ako! Ang tahimik ko na. Sa lalaki na lang nga ako nakikipag-loveteam, tapos ganyan pa rin ang makukuha kong balita? Hahaha!”

Wala na raw silang communication ng mga naging ex-girlfriends niya.

“Lahat ng mga nakaraan, tinigilan ko na. Masaya ako sa mga nangyayari sa akin ngayon. Kaya… hanggang do’n lang ako.”

Hindi siya naaapektuhan, nadi-depress o nagagalit na pilit pa rin siyang iniuugnay sa break-up nga nina Cristine at Derek at nina Jennylyn at Luis?

“Hindi. Kasi… natatawa na lang ako na bakit ba kailangan pa akong madawit do’n sa mga problema nila.”

Ganyan?

 

DAHIL TUNGKOL sa honesty ang tema ng bagong primetime series ng ABS-CBN, matapat na sagot sa kung anumang tanong ang hiningi ng movie press nang makausap si Paulo Avelino na isa rin sa cast nito.

Kung dati, pinakaiiwasan ng aktor to talk about his three-year old son na ngayon kay LJ Reyes, ngayon ay open na siya na matanong tungkol sa bata.

“Well, I never lied about it,” aniya. “Hindi ko lang talaga gustong pag-usapan.“Pero bilang… gustong ma-target ng Honesto ang lahat ng age dito lalong-lalo na ‘yong mga bata, isa sa pinakaimportanteng trait din na dapat matutunan ng bata na ipinapakita namin dito. So, ako, gusto ko rin naman po na makita rin po ako ng bata na may natututunan siya sa akin sa TV. Na hindi puro bad roles.”

Nagbigay rin ng kanyang paliwanag si Paulo sa kung ano ang tunay na dahilan at tinanggihan nga niya ang project na dapat sana ay pagsasamahan nila ni Angel Locsin.

“That time, marami lang po kasing problema. Dire-diretso po kasi ako no’ng time na ‘yon. So, na-burn out din po. Ah… parang hiniling ko na lang muna na magpahinga no’ng time na ‘yon. Hindi naman dahil ayokong makatrabaho si Angel. Or ayokong gumawa ng soap.

“Pero at that time talaga, kumbaga… pagod din siguro. And dala na rin ng iba pang mga personal na problema.”

Mula nang nag-break sila ni LJ, wala pang sinumang na-link kay Paolo. Ano nga ba ang status ng lovelife niya ngayon?

“Single and complicated!” matipid na sagot ni Paulo.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

2 thoughts on “Dennis Trillo, ‘di makalimutan ng mga ex?!

  1. Bakit kailangan pang balikan ang abuser na ito, unless ang mga babaeng ito ay sucker for pain. Punggok at maliliit ang biyas ni Dennis. Little man syndrome.

Leave a Reply

Your email address will not be published.