Dennis Trillo, cool kuya sa mga bagets co-star sa bagong serye

Dennis Trillo

Dennis Trillo

Mukhang iba ang klase ng pakikisama ng aktor na si Dennis Trillo sa mga baguhang cast sa kanilang sexy romcom ni Heart Evangelista na “Juan Happy Love Story” na magsisimula nang mapanood sa darating na Monday, May 16, sa GMA Network.

All praises ang mga bagets stars sa aktor. Kaya nga oks kina Rob Moya (anak ni Jovit Moya of That’s Entertainment), Vincent Magbanua, at Ericka Padilla ang klase ng pakikisama na ipinakikita ng aktor sa kanila. Kaswal na kaswal lang daw si Dennis Trillo sa set kapag nagte-taping sila.

“Madali siyang kausap. He is very approachable,” sabi ni Rob sa kanyang Kuya Dennis.

Maging si Joross Gamboa na matagal na sa showbiz ay aprub sa kanya ang pakikisama at ugal ni Dennis sa kapwa niya artista.

Sabi nga, tahimik lang ang aktor. Mahiyain kasi. Less talk siya at kung minsan, nasa isang sulok lang siya at nagbabasa ng kanyang script para ‘pag tinawag na siya ng direktor, ready na siyang humarap sa kamera.

Pero kapag may jamming naman sa set, nakiki-join naman diumano ang aktor. Hindi siya nagsusuplado. Misinterpreted lang nga siya, kuwento ng isang production insider sa amin.

Sa bagong serye ni Dennis, isang pilyong chickboy ang role niya na ang pagpasok ni Heart (as Happy) sa buhay ni Juan (played by him) ay babago sa buhay-binata ng aktor sa serye.

Maganda ang review ng mga napakapanood na ng buong linggong episodes ng “Juan Happy Love Story”. Nakakatawa raw. Very happy ang mga eksena, pero medyo sexy.

Matagal na ring hindi napanonood sa telebisyon si Dennis after ng teleserye nila ni Jennylyn Mercado.  Ang tagal bago ito nasundan.

With his new serye with Heart, I’m sure ibang timpla ito tulad ng kuwento ng mga napanood na sa serye.

Maging si Sen. Chiz Escudero na mister ni Heart, interesadong mapanood ang misis dahill “super daring” daw rito ang asawa, na siya mismo ay hindi niya ini-expect na kakayanin ni Misis ang kanyang mga eksena.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.