Dennis Trillo avoids interviews; irks reporters

MARAMING KASAMAHAN NATIN sa panulat ang naiimbiyerna kay Dennis Trillo, dahil naging mailap na raw ang magaling na aktor kapag iinterbyuhin ngayon. Mayroon pa ngang naiinsulto sa kanyang mga kilos, dahil umano’y obvious daw na gusto lang umiwas ng binata na makapanayam at matanong tungkol sa depensa niya sa mga pagbubulgar na ginawa ng ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado na may kinalaman sa dahilan ng kontrobersiyal nilang paghihiwalay.

Papaano naman kasi, dinudumog ngayon ng press si Dennis, dahil importante talagang marinig ang kanyang panig tungkol sa mga isiniwalat ni Jennylyn.  Pero katulad ng dati niyang ginagawa kapag kontrobersiyal siyang pinag-uusapan dahil sa hidwaan nila ng kanyang mga nakakarelasyon, pinili na lang ng aktor ang manahimik. Maselang isyu nga naman ang tungkol sa pag-hihiwalay nila ng alaga ni Becky Aguila. Kung sasagot siya ay hindi matatapos ang usapan, dahil may isasagot pa rin bilang buwelta sa kanya ang kabilang kampo. Hindi rin istilo ni Dennis ang nakikipagtarayan sa mga babae, dahil ang sagwa nga naman noon.

Hindi naman bastos na tao si Dennis. Mayroon lang mga pagkakataon na mas pinipili niyang manahimik sa isyu. Maaaring hindi ako kilala ni Dennis sa pangalan, pero maipagtatanggol ko naman ang alaga ni Popoy Caritativo, na nasa paraan lang ‘yan ng pagtatanong. Hindi man eksaktong sumagot sa mainit na isyu tungkol sa kanya, at napakabait ni Trillo kapag na-korner mo siya nang kayo lang, dahil magkukuwento siya ng kung hanggang saan lang ang puwede niyang sabihin.

 

BLIND ITEM: TALAGANG ang bakla, ay bakla, ay bakla! Ang paglaladlad ng isang bading ay namimili lang ng tamang panahon ayon sa kagustuhang paglaladlad ng isang personalidad. Katulad na lamang ng isang napakaguwapong aktor na sumikat dahil sa isang noontime show na mga bagets ang bida. Itago na lang natin siya sa pangalang Michael Jose.  Mabilis tumangkad si actor, kaya nu’ng kasali pa siya sa nasabing show ay larga at kitang-kita na ang kanyang porma, dahil binatang-binata na siya. Para din kasing may lahi siyang banyaga.

Pinagpapantasyahan noon ng mga kababaihan at kabadingan sa showbiz si Michael, dahil bukod sa matangkad siya na brusko ang dating ng kaguwapuhan dahil balbon siya, bakat na bakat lagi ang ipinagmamalaki niyang harapan. Matalino siya, Inglesero at wala siyang tanong na hindi kayang sagutin. Taklesa rin siya na mahilig magtaray. Pero ganu’n lang.  Napansin lang siya, dahil magaling din siyang umarte. Magaling na kontrabida. Pero umaalingasaw noon ang tsismis, na bading daw siya. Hindi niya inamin sa telebisyon, pero sa mga piling kaibigan at pinagkakatiwalaang tao sa showbiz ay ipinapahalata niya na bading siya. Hindi naman siya malamya kumilos sa harap ng kamera, dahil brusko nga siya, kaya hindi naniniwala ang kanyang mga fans na siya ay bading.

Unti-unting nawala sa uso ang kasikatan ni Michael, kaya iniwan muna niya ang showbiz at sinubukan ang ibang larangan. Nangibang bansa siya. Ang latest na chicka ay head na siya ng mga roomboys sa isang 3-star hotel sa America.  Pero kakaiba na raw ngayon si Michael, dahil hindi na astig ang mga kilos niya. Bumigay na siya. Bonggadera na siya, dahil nagbibihis-babae na raw ngayon ang dating kontrabida. Kung nami-miss n’yo na siya, dahil nawawala na sa showbiz…  Siya na nga ‘yon. Kuha n’yo?

 

PERSONAL: BELATED HAPPY birthday sa dating PRO ng Seiko Films na si Mr. Jun Macarubbo. Hindi ko siyempre siya makakalimutan, dahil siya ang nagrekomenda sa akin noon para makapag-PR din ako ng mga pelikula at ilang hubadera at hubadero ng Seiko Films, gaya nina Priscilla Almeda at Anton Bernardo. Iniwan muna ni Kuya Jun ang showbiz, dahil may iba siyang business. Pero siya ang nagdidirek dati ng sexy pictorial para sa mga seksing pelikula noon ng kumpanya ni Mr. Robbie Tan. Karay-karay ako lagi ni Macarubbo ‘pag may pictorial siya, kaya sobrang naumay akong makakita ng mga hubadera at hubadero, sa totoo lang.

Labyu, Junmac!

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

7 thoughts on “Dennis Trillo avoids interviews; irks reporters

  1. Masaya ka na ba Dennis dahil mayroon din'” iba ” naniniwala sa yo de mo binugbog si Jennylyn’.Masaya ka na ba Dennis dahil sa mga sunod sunod na de magandang pinagdadaanan ni Jennylyn ngayon.Dennis alam mo yun…sinaktan mo si Jennylyn physically,kaya nanahimik ka.Ang babae de dapat pinapatulan physically,kahit ano man,masama sa lalaki nanakit ng babae.Nakakatakot ka Dennis Trillo,suwerte ni Heart Evangelista de mo nakuha

  2. I dont have any favorites showbiz personality,but i watch filo programs f they are entertaining I watch them and if its gets boring, i surf another program,but this Dennis Trillo,beating jennylyn Mercado is not good.Dennis trillo No matter how much you hate what this girl have done and provoke you,its not a reason to beat her,you should just leave ..have leave your condo and let you two’s anger settle down .Jennylyn experienced child abuse,and her personality reflects on her past,she really needs a man who will really love her protect,respect,support her,not treat her as sex slave just because she is single mother.Dennis Trillo entered relationship ww/ J.M.
    because its free..,Dennis you know what i mean …’FREE”,now you are sawa of that “FREE’ treat

  3. silence means yes..at agree ako dun sa cnabi ni Alex Gonzaga true ung statement ni Jen sa Yes Mag.
    ang tagaL ng tinatanong kay Dennis ang issue na ‘yan..nagkaroon na ng conference sa new soap niya,pero never niya sinagot na maayos at iba ung sinasagot niya na napakaLayo sa issue..madaLi Lang naman sabihin hindi totoo ung bintang ni Jen sa kanya at waLang katotohanan my bugbog issue,bakit di niya masabi-sabi un?…nagpapatunay Lang totoo ung mga sinabi ni Jen!

  4. takot lang ni Dennis “the banger” kasi may malaking alas si Jen laban sa kanya hehe “S” yata ang clue hahaha calling PD…………..next time na lang kawawa naman itong ungas na ito

  5. Leave dennis alone. He does not owe anybody any explanation! May karapatan siyang huwag mag comment kung yan ang desisyon niya. At kailangan respituhin ito. Ang problema sa filipino reporters ay mapanghimasok at hindi marunong magrespeto sa privacy kaya kalimitan ay naiinis ang mga foreign entertainers!

  6. Basta, Dennis is not a man. Bakit naman Nya cnaktan at pinagsalitaan ng hurtful words si Jen, she doesn’t deserve that guy at all! Buti na Lang andyan si Luis for her, a true gentleman. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.