Dennis Trillo at Katrina Halili, sasagipin si Darna?

KAMAKAILAN LANG AY nakatanggap kami ng balita mula sa isang kaparazzi na magiging special guest daw sa Darna sina Dennis Trillo at Katrina Halili. Ayon sa kanila, lalabas daw ang dalawa sa fantaserye ni Marian
ngayong Nobyembre para ‘sagipin’ ang naturang palabas.
Ano nga ba ang ibig sabihin nito? Kung naghihinala kayo na pababa na nang pababa ang rating ng Darna ni Marian, puwes, hindi kayo nagkakamali!
Kung noon ay namamayagpag ito sa NCR, balitang nangungulelat na raw ito. Hindi si Marian ang itinuturong dahilan: factor rin daw dito ang mga kontrabida niyang mostly composed of Kapuso starlets.
Aminin na natin, sino ba ang magkakainteres sa awayan ng isang Marian Rivera at ng isang beauty queen na walang appeal? Ni Marian at ng isang sexy at malusog na aktres pero masyadong malinis ang image sa press? Sino ang magiging interesado sa awayan with a Haponesa kontrabida na ang tanging issue lang ngayon sa buhay ay ang kanyang present boyfriend? Wala. ‘Ika nga, walang ‘spice’ sa palabas ng Darna.
Hindi rin naman masyadong tinatangkilik ang Marian-Mark tandem dahil unang-una, masyadong identified si Yanyan kay Dong. Pangalawa, may pamilya na si Mark. In short, wasak lahat ng ilusyon ng fans, kung meron man.
Palagay namin, lalagyan ng love angle ang Dennis-Marian team-up sa Darna. In fairness, may following naman ang DenYan tandem kahit na sa pelikulang Tarot lang sila napanood ngayon. Panigurado naman na maraming nag-aabang sa Marian vs. Katrina dahil mainit na mainit ang bangayan nila noon sa Marimar.
Sa inyong palagay, makatutulong ba sina Dennis at Katrina sa pagsagip sa naghihingalong Darna?

loading...

7 thoughts on “Dennis Trillo at Katrina Halili, sasagipin si Darna?

  1. ang pep.ph ba gma ang may ari?kc if we have opinion regarding marian bina banned kmi but if we have opinion also of angel d nla dinedelete

  2. kailangan i-recyle ang istorya dhil super boring!

    wlng kwenta ang mga fights scene, parang kulang s vitamins ang mga klbn, lampa!

    buti p c impi, nkktuwa!

  3. Ganyan talaga…may BALIK talaga yan, wala naman na talagang natutuwa sa darna na palabas, una hindi naman talaga bagay maging darna si Marian Rivera, kasi mukha na siyang matandang Darna, sa totoo lang may itsura nga siya pero hanggang dun na lang yun, buti nga may camera tricks pa eh, pinapahaba lang katawan nya para magmukhang sexy eh kung tutuusin, punggok siya at maikli ang katawan, laglag pa puwit, kumbaga trying hard lang na darna, nagpupumilit pa kasi..tsk tsk

  4. haha napaka pangit naman kasi ng darna tapos sasabihin no. 1 sila ano ngayon ang credible na ratings di ba ang tns meaning sinungaling tlga agb

  5. Aminin na nang lahat na si Marian ang dahilan kung bakit bumubulusok ang rating. Don’t go blaming everyone for the low rating of Darna. Marian has lost her appeal and no one wants to watch her shows anymore. Even her movies are flops. She gives justice to the title of FLOPSINA QUEEN.

Leave a Reply

Your email address will not be published.