Dennis Trillo at Jennica Garcia, isasalba ang kanilang show!

BONGGA ANG TAMBALAN nina Ogie Alcasid at Michael V bilang Angelina at Yaya dahil bukod sa kanilang daily game show na Hole in the Wall, meron na sila ngayong pelikulang ipu-produce ng GMA Films. Ito ‘yung Spoiled Brat na siyempre tungkol sa pagka-bratty ng alaga ng yaya ni Angelina.

Nagkaroon na ng first shooting day nu’ng nakaraang Martes at ang isa pang dagdag na sorpresa sa pelikulang ‘yun, ang pagsasama nina Aiko Melendez at Jomari Yllana. Hindi raw muna puwedeng sabihin kung ano ang role nila sa pelikulang ‘yun, pero mahalaga raw ito at tiyak na kagigiliwan ito ng mga manonood.

Parehong excited sina Aiko at Jomari sa first shooting day nila, dahil hindi pa pala nila ito nasabi sa anak nilang si Andrei. Pagkatapos ng shooting pa raw nila ito sasabihin na tiyak ikatutuwa ng bagets.

Matagal na rin namang okey na ang pagkakaibigan nina Jomari at Aiko kaya wala silang problema, at kaya nga nila tinanggap ang project na ito dahil para na rin sa kanilang anak.

MAY MGA NAGPAPARATING sa amin ng mensahe na parang mas type pa raw nila ang tambalan nina Dennis Trillo at Pauleen Luna sa Adik sa `Yo na gumaganap bilang magkasintahang Batangueño. Nagkahiwalay na sila sa kuwento at magtatagpo na sina Dennis at Jennica Garcia na talagang katambal ng actor sa romantic-comedy series na ito.

Inaasahang tataas ang rating nitong Adik sa `Yo kapag magkasama na sina Dennis at Jennica dahil kung hindi pa rin ito umaarya, baka mas umepek pa nga raw ito kapag sina Dennis at Pauleen na ang pagsamahin.

Wala namang isyu kay Pauleen kung sino ang ipa-partner sa kanya. Type daw niya ang role niya rito sa Adik kaya talagang kinakarir daw niya pati ang pag-aaral ng puntong Batangueño. Kaagad namang nakuha nila ni Dennis ang pagka-Batangueño kaya ang galing nilang dalawa sa eksenang nagpapaalamanan na sila.

Abangan na lang natin kung magki-klik itong tambalan nina Dennis at Jennica. Sila lang naman ang inaasahang makapagpapataas ng rating ng Adik sa `Yo.

NASA DEPARTMENT OF Justice na pala ang kasong Libel na isinampa ni Richard Gutierrez laban sa PEP at hinihintay na lang daw ang resolution nito pagkatapos sinumpaan ng aktor ang affidavit niya roon sa DOJ nu’ng nakaraang Martes.

Ani Richard, gusto lang naman daw niyang lumabas ang katotohanan kaya pursigido siyang ituloy ang kasong ito.

Walang taga-PEP na dumating doon pero nandu’n ang abugado nilang si Atty. Sandra Coronel na nagsasabing nakahanda naman silang harapin ang kasong ito.

May mga nagsasabing marami na ang nagnanais na maayos na lang ang kaso at magkabati na sila bago ibaba ang resolution, dahil inaasahang magkakabati pa rin naman sila sa ending. Sabi naman ng abugado ni Richard, open naman sila sa pag-aayos kung sakaling may mediation. Pero hindi naman daw sa kanila manggagaling ang hiling na iyun.

Sagot  naman ni Atty. Coronel ng PEP, matagal na silang nagnanais na magkaayos na dahil maliit lang naman daw ang mundo ng showbiz. Pero tila hindi pa raw handa si Richard na harapin sila kaya hintayin na lang daw natin ang desisyon ng korte sa kasong ito.

by Gorgy’s Park

loading...

13 thoughts on “Dennis Trillo at Jennica Garcia, isasalba ang kanilang show!

    • WAG MO PAKILAMAN IDOL KO HA???????KYA KA CGURO NAG SASALITA NG GANYAN KAY JENICA INSECURE K LANG
      NOH???????????/

  1. Pinapanood ko na ngayon ang Adik sa yo. Yeah kasi pinanood ko yong rewind noong last week sa SNBO sa gma. Ngayon eh aliw na aliw ako sa kanila… ha ha ha. Katuwa.

  2. hindi bagay si dennis at jennica. masyadong bata si jennica for dennis. sana bumalik na lang ng kapuso si cristine at sila ni dennis loveteam

    • UY…ANONG LAOS NA ADIK BKA IKAW LAOS……??????????????????????????????????????????????????????????????????????????/

  3. Ang gwapo ni Dennis Trillo sa Adik Sayo. Siya lang ang inaabangan ko. Ang galing galing pang umarte.best actor talaga.

  4. About Pauleen Luna, mahusay nga siya at ang ganda ganda pa. Bigyan lang siya ng isang magandang break sa primetime (kahit leading lady muna ni DD o RG), bobongga ng husto ang career niya. Tingin ko, pupuwede siya na Jodi sa Stairway to Heavan, o Jesse sa Fullhouse.

  5. Nag-i-start pa lang naman iyong Adik sa Iyo, at ang interaction nina Dennis at Jennica ay konti pa lang naman, at hindi pa mga kilig scenes; kaya di pa nagwo-work-out ang chemistry nila masyado as loveteam. Kaya lang, pansin ko na medyo exag at pilit pa ang mga comedy scenes, kaya medyo corny ang dating (lalo na scenes ni Jolina at Marvin). Sana medyo i-mellow, para mas maging natural. Huwag na rin lagyan ng pa-cute scenes sina Jolina at Marvin, pangit ng tignan (iwan na lang kay Dennis at Jennica iyon). Pero knowing Direk Joel Lamangan, nagwa-warm-up pa lang itong Adik sa Iyo, at papaganda na ito ng papaganda!

  6. ang chaka ng adik sa yo! for once agree ako kay lolit na mas maganda ang team up ni dennis trillo at pauleen luna. walang kadating dating si jennica! mas maganda ang nanay nya.

  7. Ang cute ng story ng Adik Sayo, nakakatuwa, i think may chemistry naman sila Dennis and Jennica di pa nga lang nade-develop ng husto.

Leave a Reply

Your email address will not be published.